Chapter 05

2221 Words
Umihip nang malakas ang hangin. Muntik pa akong mabuwal dahil sa malaking tipak ng batong nakaharang pala sa aking likuran. Kung hindi ko napigil ang sarili ko, baka napahiya na ako sa harap ng taong ito. Paulit-ulit na namutawi sa isip ko kung ano ang kaniyang sinabi pero paano nga ba niya ako nakilala? I want to ask more. I want him to expound what has been said to clarify these s-hits looming in my head. Nasabi na sa akin kanina ni Trivo na nakita na namin ang isa’t isa noon ngunit bakit wala man lang siya sa ala-ala ko? Nagulat pa nga ako nang malamang may kuya siya. “Uh Miss, maiwan muna kita rito. Babalik din ako kaagad,” basag ni Kairo sa katahimikang hangin lamang ang naghahari. Bumaling ako sa kaniya. Ngumiti ako nang kaunti saka marahang tumango. Pagka-alis niya, roon na dumapo ang reyalisasyon na kaming dalawa na lang ni Trino ang natitira rito. Anong gagawin ko? Kakausapin ko ba siya? Tatanungin ko ba? Kukumustahin kaya? Paano kung mapapahiya lang ako? Paano kung sabihin niyang feeling close ako? As much as I want to leave a decent impression, I need to be careful. Kung aalis agad ako, baka isipin niyang iniiwasan ko siya. After all, unang pagkikita pa lang namin ito. Ito rin ang unang beses na makakausap ko siya kaya kailangan ayusin ko. Mula sa direksyon kung saan naglaho si Kairo, dahan-dahan kong ibinaling ang pansin sa pwesto ni Trino. Laking gulat ko na lang nang wala na siya sa gilid ko at nakita siyang hila-hila ang lubid upang ihatid ang kabayo sa kwadra. Hindi naman iyon kalayuan dahil natatanaw ko pa. Maingat akong humakbang. Naroon ang kaba dahil mukhang siya talaga iyong tipo na hindi magandang makitungo sa mga tao. Tama kaya ang first impression ko nang makita siya sa family picture? Kung isa nga siyang gangster at basagulero, hindi na nakapagtataka kung bakit umalis siya nang hindi man lang nagpapaalam sa akin. Maganda ang tubo ng mga damo sa aking hinahakbangan. Inaalalayan ko na lang ang laylayan ng off the shoulder dress ko lalo na ang paglakad. Hindi man kataasan ang heels ng sandals ko, paniguradong madadapa ako o matatalisod mamali lang ng hakbang. Kung alam ko lang na susuyurin ko pala itong rancho nila, sana nag-boots din ako kagaya ni Trino. Tuloy-tuloy ang kaniyang lakad habang hila pa rin ang lubid ng kabayo. Hindi ko tuloy mapigilang tumitig sa kaniyang likod. He really got that masculine body built, tipong batak ang biceps at dibdib, pati na ang forearm na nakikitaan ng mature na kalamnan. Bukod doon, naiiba ang hawi ng kaniyang buhok sa pagilid na hawi ng buhok ni Trivo. Iyong bangs kasi niya ay paitaas, katulad ng mga gangster na sumusunod sa tradisyon ng grupo. He’s so mysterious. Ang tahi-tahimik niyang tingnan. Una nang sinabi sa akin ni Trivo na ayaw niyang pakasal dahil sa babae nitong gusto. So he’s in love? Sino naman kaya ang babaeng natitipuhan nito at bakit parang hindi pa sila nagsho-show off dito? I mean kung mahal talaga niya ang babae, pwede naman niyang dalhin dito at ipakilala. O baka naman naipakilala na niya pero ayaw ni Tito Trio? Lumiko siya sa kanan na siya ko ring ginawa. May kung anong amoy na sumalubong na nagmumula yata sa kwadra. Sa ilang sandali pa ay narating na niya ang kwarda. Nakatalikod pa rin siya sa akin habang ipinapasok sa loob ang kabayo kaya mukhang hindi siya aware na nagawa kong sumunod. Napalinga-linga ako nang makahinto hindi kalayuan sa bungad. Hindi ito gaya sa mga kwadra na madalas kong makita dahil itong sa Trivino ay ‘di hamak na mas malawak. Magkano kaya ang kinikita nila rito? Ginagamit din kaya nila ito sa business o libangan lang? Trivino is well known for their ranch business. Naikwento ito noon sa akin ni Daddy at nasabi na wala siyang balak na makipag-ugnayan dito. Hindi naman sila magkaaway. Hindi rin magkaibigan. Hindi rin aligned ang field of work nila dahil freelance writer si Dad at wala ni isa sa angkan namin ang pumasok sa corporate world. Kay Dad ko namana ang interes ko sa communication kaya iyon ang kursong tinahak ko. Si Mom naman ay simpeng maybahay lang na masaya lang sa oras na malamang safe ako. I was born with a silver spoon, na lahat ng luho ko ay nasusunod dahil ako lamang ang nag-iisang anak. Ano kaya ang magiging reaksyon nila sakaling malaman nila kung ano nga ba talaga ang pinasok ko? “Bakit ka sumunod?” Mula sa gawi kong kanan, ibinaling ko ang tingin sa harap. Hinahabol ko pa ang sarili ko mula sa pagkakatulala ngunit para na akong inalisan ng kaluluwa. Sa gilid niya ay may timbang puno ng tubig. His white shirt, black trouser, and boots almost resembled a cowboy who’s only thinking for his horse. Ang sungit naman ng pagkakatanong niya. Hinawi ko ang talikwas ng buhok habang naghihintay siya sa akin sagot. His stares are so deep. Ibang iba sa paninitig ni Trivo na may halong pagkamuhi. Itong kay Trino? Hindi ko maunawaan dahil parang may iba. “Uhm, hello nga pala…” nahihiyang sagot ko na lang habang nakatingala sa kaniya. Lagpas naman ng limang hakbang ang layo namin sa isa’t isa pero bakit pakiramdam ko, ang lapit-lapit lang? He surely wants me to get out of his sight. Tingin pa lang, alam ko na. Binaba niya ang tingin sa paa ko, dahilan kung bakit napayuko ako upang tingnan kung ano ang tinitingnan niya. Nang mapansing wala namang kakaiba, muli kong inangat ang tingin sa kaniya. “Naka-sandals ka…” he whispered. Napalunok na lang ako dahil nakita niyang mali iyon. “Hindi mo naisip na pwede kang matapilok sa ginawa mo?” “Nag-ingat naman ako.” “Paano kung napilayan ka? Edi kasalanan ko pa?” Umawang ang bibig ko nang buhatin niya nang walang kahirap-hirap ang timba at naglakad papasok ng kwadra. Literal akong nawala sa sarili. Totoo bang sinungitan niya talaga ako? Ano pa bang aasahan ko? Mukhang itsura pa nga lang ay masungit na, ito pa kayang hindi niya nagustuhan kung ano ang ginawa ko? He so damn authoritative. Na kahit sino ka mang matapang sa mundong ito, mapipilitan kang tumiklop. So, mukhang wala namang patutunguhan ang pagsunod ko sa kaniya rito. Mukhang wala naman akong choice at hindi ko naman mapipilit na umayos ang pakikitungo niya sa akin. If he’s really born to be bad, then I was born to avoid him. Bakit ko sasayangin ang oras para sa isang taong wala namang pakialam sa akin? Wow, coming from you Carrie! Matagal nang walang paki sa’yo si Trivo pero pilit mo pa ring pinagpipilitan ang sarili mo. Iyan ba ang tinatawag na pag-iwas sa mga gaya ni Trino? My God. Akma na sana akong tatalikod upang bumalik sa loob ng mansion nang bigla kong marinig sa loob ng kwadra ang malalim niyang boses. Napakurap-kurap ako sa lakas nito. “Don't leave.” “Bakit?” Hindi siya sumagot. Binalik niya ang atensyon sa pinaliliguang kabayo. Teka, nasaan na ba si Kairo? Ang tagal namang bumalik nu’n. I stood still, parang tangang estatwa na naghihintay sa kaniya. Ano kaya ang dahilan kung bakit ayaw pa niya akong paalisin? Kung iniisip niya na delikado itong suot ko sa paa, pwede ko naman itong hubarin at maglakad nang nakatapak. Kusa akong napalingon mula sa likod nang mapansing may naglalakad na roon. May kung anong tuwa na umahon sa dibdib ko dahil hindi na ako maiilang tulad kanina. “Kairo…” “Oh miss, andyan ka pala. Nasaan si Sir?” nakangiting tanong ni Kairo habang bitbit ang towel. “I’m here.” Sabay kaming humarap ni Kairo sa kwadra. Kahit may kalayuan ang distansya namin sa isa’t isa, kita ko kung paano tumagaktak ang pawis niya. Para siyang hindi anak-mayaman sa ginagawa niya. Siya talaga ang nagpapaligo sa mga kabayo? Bakit hindi na lang ipaubaya sa mga tauhan? Mukhang hindi lang naman si Kairo ang pwedeng mautusan. Sa kaniyang ginagawa, hindi na nakapagtataka kung bakit ‘di hamak na mas maputi si Trivo sa kaniya. Lumapit si Kairo sa kaniya saka inabot ang towel. May kung ano pa silang pinag-usapan na hindi ko naman nagawang marinig dahil sa layo ko sa kanila. Maya maya pa’y bumaling na si Kairo sa akin. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kinatatayuan ko habang si Trino naman ay nagpupunas na ngayon ng sarili. “Miss, dito ka muna ha? Ikukuha lang kita ng tsinelas.” “Huh? Hindi na kailangan. Pwede akong magtapak—” “Pagagalitan kasi ako ni Sir kung hahayaan ko ‘yan. Pasensya na, sumusunod lang sa utos.” Iniwan niya akong nakatulala. Sa bilis ng paglaho niya upang bumalik sa loob ng mansion, saka ko muling namalayan na kaming dalawa na naman pala ang naiwan dito. Inangat ko ang tingin sa kaniya. Nakasandal na siya ngayon sa hamba ng kwadra habang nakasabit sa balikat ang towel. Nakapamewang siya at nagmamasid lamang sa pinaliguang kabayo na ngayon ay tahimik na kumakain. Dinala ako ng sariling mga paa sa kaniya. Huminto na lang ako nang mamalayang isang dipa na lang ang layo namin sa isa’t isa. Gusto ko ring sumandal sa kahoy na meron dito sa kwadra kaya lang nangangamba ako na baka madumihan itong suot ko. Naalala kong hindi pa pala kami nagkikita ni Tito Trio. “Paano mo ako nakilala?” Mabilis niyang nilipat ang tingin sa akin, parang nagulat dahil malapit na ako sa kaniya ngayon. He tilted his head. His lips seemed set in a hard line as his eyes stared sternly as if digging me to my core. Napalunok ako. “Who wouldn’t know you? Ikaw ang panay react sa Pazelite posts ni Trivo, ‘di ba?” Namilog ang mga mata ko. Oh my God. Who would’ve thought he knew me through my Pazelite reacts? Dahil tama siya, panay nga ako heart sa mga pictures ng kapatid niya. “Pero hindi lang naman ako ‘yong nagre-react sa posts niya. Marami naman kami.” “Ikaw ang consistent.” Oh. That explains why. Minsan ako pa nga ang kauna-unahan. “Nagkita na raw tayo noon sa debut ni Mossa, natatandaan mo ba?” Saglit siyang tumitig bago sumagot. “Ikaw, may natandaan ka?” Umiling ako. “Mukhang wala eh.” “Same.” Iniwas niya sa akin ang tingin. Muli niyang ibinalik sa kabayo na patuloy pa rin sa pagkain. I can smell his musky perfume. Kahit pawisan, naroon ang amoy na akala mo’y bagong ligo. Hindi ko tuloy naiwasang humanga. Ilang babae na kaya ang nahumaling sa kaniya dahil dito? Sa itsura niya, hindi malabong mahilig siya sa mga babae, mabarkada, at mahilig din gumimik. I mean, hindi sa sinasabi kong masama iyon. Kung wala naman silang ilegal na aktibidad, malaya sila kung ano ang nais gawin sa buhay. Hindi ko lang talaga maiwasang ikumpra siya kay Trivo dahil kahit may wangis sila sa mukha, nagkakalayo naman sila ng personalidad. There’s a decent version and there’s a bad. Ngunit sa oras na mapatunayan kong na-i-involve siya sa masamang impluwensya, iyon na ang siguro ang go signal ko upang magpakalayo-layo sa kaniya. “You really like my brother huh?” Napalunok ako. Para akong dinampian ng apoy kahit na sa mga kabayo naman ang tingin niya. “Ah oo…” nahihiya kong sabi. “Matagal-tagal na rin.” “Saan siya nag-propose?” Saglit akong pumikit upang mag-isip ng isasagot. Ito ang bagay na hindi namin napag-usapan ni Trivo. Sa agad-agaran naming pagsuong dito, hindi na namin napagplanuhan kung ano ang mga maaring isagot sa naka-iintrigang mga tanong! Sinong hindi matataranta gayong wala namang nangyaring proposal? “Sa Santa Mesa.” “Saan doon?” “M-malapit sa school namin.” “Maraming nanood?” “M-medyo lang.” “Hindi ka nagdalawang-isip sagutin siya ng oo?” “Hindi ako nagdalawang-isip…” Humarap siya at kinuha ang towel na nakasabit sa balikat. Wala siyang kaemo-emosyon sa mukha at tila manhid na hindi mawari. “Then congrats.” Bigla siyang umalis sa harapan ko at naglakad papalayo sa akin. Akma na sana akong susunod sa takot na maiwan akong mag-isa rito ngunit narinig ko mula sa likod ang boses ni Kairo. “Miss, pakihubad na po ang sandals mo.” “S-sige…” nauutal kong sabi habang lumilingon sa likod ni Trino na ngayon ay tuloy-tuloy sa paglalakad. Napakamisteryoso niya. May pinagdadaanan kaya iyon o sadyang ganoon lang sa mga kausap niya? I want to know him more. Gusto ko pang makilala kung ano pa nga ba ang maibubuga ng personalidad niya. Malapit na ang apelyidong Trivino sa akin kaya hindi na nakapagtataka kung bakit ganito ang ninanais ko. Gaya ng utos ni Kairo, maingat kong hinubad ang sandals. Saka ko naman sinuot ang dala niyang tsinelas na sumakto naman sa aking paa. Nang magsimula na kaming maglakad patungo sa mansion, muli siyang nagsalita. “Nga pala, nasa mansion na si Don Trio. Hinihintay kayo.” Biglang kumabog sa sobrang kaba ang dibdib ko. Nangamba nang hindi inaasahan dahil sa mga posibilidad na kanina pa gumugulo sa isipan ko. Bahala na. Kasama ko naman si Trivo mamaya. Tiyak na kung may tanong na hindi ko magagawang sagutin, aasahan kong siya na ang sasalba sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD