Chapter 04

2590 Words
I looked down to watch my steps. Nag-iingat sa mabagal na paglalakad dahil baka madulas sa napakakintab na sahig.   Their mansion is so huge. Kung ikukumpara ito sa amin, mas doble ang laki nito. Mas mataas ang staircase, mas nadedepina ang pagiging sopistikada ng chandeliers, ang mga muwebles ay halatang mamahalin at mukhang sinadya pang ipagawa sa ibang bansa para lang bumagay sa motif ng interior.   “Miss, dito po.” Sinalubong ako ng katulong nang makababa na ako ng hagdan. She’s respectful in her maid’s uniform at mukhang nasa thirty’s ang edad. Bahagya siyang nakayuko at nakalahad ang kamay sa grand exit. Tumikhim ako.   “Nasaan po si Trivo?”   She smiled shyly. “Lumabas po eh. Siguro nasa rancho.”   “Oh, I see. Thanks.”   “Pero ibinilin ka niya kay Kairo. Ililibot ka raw po para mas makabisado mo ang buong ari-arian ng Trivino.”   “Kairo?”   “Opo. Anak ko po siya na tauhan din dito. Mabait po iyon, miss.”   Pinilig ko ang aking ulo at bahagyang ngumiti. “Huwag niyo na akong i-po at opo. Ayos lang po sa’kin.”   Saglit siyang hindi sumagot. Sa halip ay tumawa siya sa pilit na paraan.   “Sige miss, diretsuhin niyo lang ‘yong pinto na iyon. Naroon po si Kairo. Siya na po ang bahala sa inyo.”   “Salamat po.”   Nang umalis na siya sa aking harap, saka ako napalinga-linga. There are a lot of classic paintings and most of them are nature landscapes. Tila gawa ng isang bihasang pintor na mahilig sa kalikasan. Naningkit ang mga mata ko nang makita sa gawi kong kanan ang itim na tukador. Doon ay may mga naka-display na pictures kaya napagpasyahan kong maglakad patungo roon.   I’ve never seen family photos of Trivo. At kung may pagkakataon man akong makita iyon, ito na ang sandaling ‘yon. Hindi naman kasi siya nagpo-post ng ganoon sa social media accounts niya. Karamihan ay mga pictorials ng sarili at wala ng ibang kasama.   Bigla tuloy akong napaisip, magkakaroon din kaya kami ng pictorial? I mean, ginagawa iyon karamihan ng mga engaged. Kung oo, saan kaya ang setting?   Napalunok ako. Hindi ko alam pero nananabik ako. Nananabik ako kahit na pagkukunwari lang naman ang lahat ng ito.   Nang marating ang tapat ng tukador, pinagmasdan ko nang maigi ang unang family picture na umagaw ng pansin sa akin. Tatlo sila at pare-parehas ang suot na black tuxedo. Nakaupo sa harap si Tito Trio na may hawak na picture frame. Makikita roon ang larawan ng isang napakagandang babae na tingin ko ay yumaong asawa niya.   Biglang kumabog ang dibdib ko nang mapansin naman kung sino ang dalawang nasa likod. Sa kanan nakapwesto si Trivo na gwapo nakaka-akit nitong ngiti na siya kong hindi nakikita mula nang aminin ni Ada na ikakasal na siya sa iba. I miss the old him. Miss ko na ‘yong mga panahon na madali lang sa kaniya ang pagtawa. Miss ko na ‘yong mga night outs namin noon at nagagawa pa niyang makisama. Ngayon? Kulang na lang ay maging estatwa na sa pagiging bato ang pagkatao niya. He changed a lot. He really changed.   Magagawa ko kaya siyang baguhin? Dahil malinaw pa sa akin kung bakit ko hinayaan ang sarili upang pumayag sa kaniyang plano. I wanted to bring him back to his old one and free himself from the chains that bind his heart to Ada. Hindi lang naman doon umiikot ang mundo niya. Masakit lang makita na kahit ikinasal na ang babaeng iyon, para pa rin siyang tangang umaasa.   Nang ilipat ang tingin sa kaliwang parte ng picture, bahagyang kumunot ang noo ko. Kapansin-pansin na mas matangkad ito nang kaunti kay Trivo. May pagkakahawig sa wangis ng mukha ngunit mapapansin na agad kung ano ang kanilang pinagkaiba. Tila inahit patusok ang kaniyang kilay, may piercing sa isang tenga, at may tattoo sa gilid ng leeg. Hindi gaya ng kapatid niya, hindi siya nakangiti. Sobrang fierce ng ekspresyon nito na para bang sa kahit na anong sandali ay madali nang magalit.   Kung ikukumpara ko silang dalawa sa isa't isa, Trivo has a decent man image. Iyong kuya naman niya ay parang bad boy o gangster na parang mahilig makipagbugbugan. Halata ito sa mas matipuno at mature nitong pangangatawan. Ilang taon kaya ang agwat nila?   “What are you looking at?”   Muntik na akong mapatalon sa gulat. Napadama ako sa kaliwang dibdib at marahang kumurap-kurap. Oh God, muntik na akong tumili, Trivo.   Nasa gilid ko na siya ngayon at tulad ko ay nakatitig rin sa picture.   “Family picture niyo…”   Sa gilid ng aking mga mata, nakita ko siyang tumango nang marahan.   “Feel free to ask if you want to know them better.”   Hindi na ako nag-alinlangan. Kaagad na akong nagtanong.   “Itong kapatid mo, mas matanda sa’yo ‘di ba?”   “Yupp, he’s three years older.”   “Ilang taon na?”   “Twenty four.”   That explains why he has more mature body built. Pero para sa akin, mas gwapo pa rin si Trivo.   “Kasal na?”   “Hindi. Ayaw niya.”   “Oh? Bakit?”   “You know dad, he’s really fond of arrange marriage. Trino won’t allow that to happen unless he marries his girl.”   That’s it. His name is Trino.   “Iyon din ang dahilan kung bakit hindi sila okay ni Daddy. Siya kasi dapat ang ikakasal sa babaeng ipakakasal sa akin, eh ayaw. Bugok talaga.”   This time, lumingon ako sa kaniya. Kita ko ang umaalab na galit sa kaniyang mga mata kahit diretso pa rin ang tingin niya sa family picture. Hindi na ako magtataka kung bakit kahit siya ay galit din sa kuya. Heto, napilitan tuloy akong gamitin para lang hindi siya maipakasal sa babaeng sana'y ipakakasal noon kay Trino. Wala siyang pinagkaiba sa kuya na nais lang din maipakasal sa babaeng natitipuhan.   “Papayag kaya ang Dad mo kung sa akin ka ipakakasal at hindi sa babaeng ipakakasal sana kay Trino?” kuryoso kong tanong. He nodded as if he’s really sure.   “Dad is doing this arrange marrage to strengthen the ties of our business. He’s allowing us to marry someone. Basta, mayaman.”   Nagsalubong ang kilay ko. Anong bastang mayaman? Nagreklamo ba si Tito Trio noong nalaman niyang si Ada ang nais niyang pakasalan?   “Mayaman? Hindi naman mayaman si Ada pero bakit—”   Nag-iba ang timpla ng kaniyang ekspresyon kaya hindi ko na naituloy ang sinasabi. Sa isang iglap, tila ba sa akin na naibang ang galit.   “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan niya?”   Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Iniwas ko na lang sa kaniya ang tingin lihim na pumikit-pikit. “S-sorry.”   “Next time, be careful.”   Para akong tinanggalan nag kaluluwa nang umalis na siya sa aking tabi at naglakad paakyat ng staircase. Sa puntong ito ay hindi ako naka-imik. Na kahit paghinga yata ay muntik ko pang makalimutan.   He’s Trivo. Bakit pa ako magugulat gayong si Ada naman talaga ang lakas at kahinaan niya? Nagmukha lang akong basahan sa paningin niya kahit ako itong mas mayaman. Kahit na ako itong nagmamahal sa kaniya.   I’ve always wanted to tell someone about this. Pero sa takot at pag-aalinlangan ko ay tanging si Mossa lang ang nakakaalam nito. Everybody knows how Trivo loved my bestfriend. Hindi ko pa man naririnig ang reaksyon nila, alam kong hindi ito maganda kahit sa paningin ng kahit na sino. Imagine faking a support just to bind them two back when we were in high school. Hindi man diretsahang isisigaw sa akin, may makapagsasabi na inaahas ko ang lalaking patay na patay sa bestfriend ko.   Speaking of Mossa, halos isang taon ko na rin siyang hindi nakikita. May nakapagsabi noon na ikinasal na raw siya kay Axen pero bakit naman ganoon kaaga? At kung totoo nga namang nangyari iyon, bakit hindi ako inimbita? Bakit wala na siyang paramdam gayong ako lang naman ang bestfriend niya?   Dati na akong pabalik-balik sa kanilang mansion ngunit paulit-ulit ding sinasabi sa akin ng bantay na wala raw doon si Mossa. Hindi ko na matawagan ang numero niya. Deactivated din lahat ng alam kong social media accounts niya. I’ve always wanted to ask her parents but no one is facing me. Sa isang iglap, parang bula siyang naglaho at hindi na kailanman nagpakita.   I faced the grand exit. Nagsimula akong maglakad dala ang bigat na idinulot ng reaksyon ni Trivo. Ang dali-dali niyang magalit sa akin. Magtatagal kaya kami sa pagkukunwaring ito kung alam na niya sa sarili na wala talaga akong pag-asa?   After all, nagsisimula pa lang naman. Maaaring sa susunod, maging ayos na ang lahat.   “Magandang umaga, miss.”   Pinasadahan ko ng tingin ang lalaking natagpuan nang makalabas ng grand exit. Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa sementadong hagdan at talagang tinanggal pa ang suot na sumbrero para lang mabati ako. Sinamahan niya rin ito ng bahagyang yuko kaya umawang ang bibig ko.   Ganoon ba talaga karespetado ang mga tao rito? Doon sa amin, hindi namin tinuturing na alipin ang mga katulong at tauhan. Bagaman trabaho nila iyon, masyado naman kung talagang pagsilbihan nila kami na para bang hari’t reyna.   Ngumiti ako nang isuot na niya ang sumbrero at inangat ang tingin mula sa pagkakayuko.   “Hindi mo na ako kailangan batiin nang ganoon kapormal. Kahit itrato mo ako bilang kaibigan, ayos lang ‘yon.”   “Talaga miss?” namamangha niyang tanong at inayos bigla ang tupi ng manggas ng suot niyang puting kamisa de tsino. Tumango ako at pinagsalikop ang magkabila kong mga kamay.   “Oo naman. Hindi niyo naman talaga ako amo kaya walang problema.”   “Pero ikaw ang mapapangasawa ni Sir Trivo.”   “Ano naman?”   Napakamot siya ng batok at mahinang tumawa. “Ang bait niyo naman po.”   “Hindi kasi ako sanay na parang sinasamba. Besides, mukhang magkasing-edad lang tayo. Matagal ka na ba rito?”   Bago niya sagutin ang tanong na iyon, magalang niyang iginiya sa akin ang daan, senyales na maglalakad na kami patungo sa kung saan man niya ako ililibot. Nang makapaglakad ay tumabi siya sa gilid ko saka sinagot ang tanong.   “Mag-iisang taon pa lang ako rito. Nag-iipon eh, pang-aral. Nga pala, ako si Kai. Kairo Fuentes. Ikaw?”   “Carrie Dalisay.”   “Oh? Kaano-ano mo si Sir Jariff?”   “Daddy ko.”   “Woah! Kaya naman pala ikaw ang ikakasal sa isang Trivino.”   Humagikhik ako. “Paano mo pala nakilala si Dad?”   “Sino bang hindi makakakilala sa inyo? Isa ang Dalisay sa pinakamayayaman sa Isla Capgahan.”   Hindi ako sasang-ayon at hindi rin tatanggi dahil hindi ko naman alam kung talaga bang mas angat kami sa ibang mayayaman dito.   Bigla ko tuloy naisip si Daddy. Kung tutuusin, hindi pa talaga ako nakakapagpaalam sa kanila. Ang alam lang nila ay nagbakasyon lang ako sa kaibigan ko. Hindi pa kasi ako handa para sabihin na engaged na ako kay Trivo. Liban doon, malakas ang kutob ko na hindi sila papayag dahil nag-aaral pa ako.   Huminga ako nang malalim. Sana huwag muna ito umabot sa kanila. Saka na lang kung talagang handa na. Hahanap muna ako ng tiyempo nang sa gayon ay mapaghandaan kung sakali mang hindi ayos sa kanila kung ano ang pinasok ko.   This is a fake engagement. Darating din ang panahon. Alam kong hindi ito magtatagal.   “Mahal na mahal mo siguro si Sir Trivo ano?”   Without any reasons to falter, I simply nodded. Magaan na agad ang loob ko kay Kairo. Mukhang mapagkakatiwalaan.   “Nagulat nga raw si Mama no’ng nalaman niya na may fiancee na si Sir. Kahit kailan daw kasi, wala pang inuuwing babae 'yon.”   Malamang. Ikaw ba namang patay na patay sa isang babae na ilang taon mo ring pinapangarap. Siya ‘yong tipo na kahit akitin pa ng pinakamagandang babae sa balat ng lupa, si Ada pa rin ang iluluwa ng mata niya.   Hindi rin talaga malinaw sa akin kung paano ba ang magiging takbo ng pagkukunwari ko rito. Basta pumayag na lang ako. Ang pangunahing plano na sinabi niya noon sa akin ay magpanggap lang daw akong fiancee para makaiwas sa isang arrange marriage. Beyond that, hindi ko alam na nag-ugat pala ito sa mariing pagtanggi ng kuya Trino niya.   Kung tutuusin, mayaman na sila. Hindi na nila kailangan ng ibang angkan para lang mapanatili ito. Pero desisyon din naman ito ni Tito Trio. Ang sa akin lang, para namang nakasasakal kung ipipilit niyang ipakasal ang mga anak sa babaeng hindi naman nila gusto.   “Wow…” usal ko nang lumiko kami mula sa mataas na tarangkahan. Natanaw namin ang malawak na rancho kung saan may nagpapastol na baka. Mangilan-ngilan lamang iyon dahil mas marami ang bilang ng mga nakataling kabayo. Sa unang tingin, hindi na kumplikado sa isip kung gaano ito kalago upang pagkakitaan.   Huminto kami sa lilim ng matayog na puno ng acacia. May kataasan na kasi ang sikat ng araw.   “Lahat ng nakikita mo miss? Sakop yan ng Trivino. Mas maganda ang pasyalan kung didiretso pa tayo kaya lang ang bilin sa akin ay hanggang dito lang daw kita ililibot.”   “Ayos lang iyon. Pero kung—”   Hindi ko na naituloy ang aking sinasabi nang biglang may tunog na sumulpot mula sa hindi kalayuan. Mga yapak iyon ng tumatakbong kabayo patungo sa gawi rito. Sabay kaming lumingon doon ni Kairo at ganoon na lang ang paninitig ko upang makita nang mabuti kung sino ang sakay nito.   “Oh, ayan na pala si Sir Trino.”   Napalunok ako. May kung anong kaba na bigla na lang namutawi sa aking dibdib. Siguro dahil naisip kong mas malala ang ugali niya kay Trivo. Kung pagbabasehan ang family picture kanina, hindi malabong hindi magiging maganda ang pakikitungo niya sa akin.   His eyes are keen. Direktang nakatitig sa akin habang iwinawasiwas ang lubid sa sakay na kabayo. Kahit na nakaupo pa roon ay batid ko na agad kung gaano ito katangkad. Mas matangkad pa sa family picture na nakita ko. Mas mature pa sa larawang pinagbabasehan ko!   Teka, kelan ba kinuha ang larawang ‘yon? Bakit ngayong personal ko na siyang nakikita ay parang ang laki ng pinagkaiba?   Napapikit ako at napatakip sa bibig dahil sa alikabok na dulot ng paghinto ng kabayo. Mismong sa harap pa namin ito huminto.   “Kai, bring the towel,” rinig kong sabi niya sa bruskong boses. Mula sa pagkakapikit ay dahan-dahan kong idinilat ang mga mata. Sa pagkakataong ito ay nakababa na siya sa kabayo at nakabitaw na sa lubid na kanina lang ay hinahampas-hampas nito.   Nang magtama ang aming mga mata, napansin ko kung paano lumalim ang kaniyang tingin. Sa sobrang tangkad niya, pinilit ko pa talagang tumingala. No doubt. Kahit sa paraan pa lang ng sulyap niya, parang siya ang bad boy version ni Trivo.   “Masusunod po sir,” sagot ni Kairo ngunit bago umalis, muli pa siyang nagsalita na lalo ko namang ikinakaba. “Nga pala, si Miss Carrie Dalisay, ang fiancee po ni Sir Trivo.”   He licked his lower lip and clenched his jaw like a mad man. Doon na ako nawala sa sarili nang marinig kung ano ang kaniyang isinagot.   “No need to introduce. I know her.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD