I wore my black one shouldered dress. Binagayan ko ito ng black stilettos at small drop earrings. Light make-up lang ang sinuhestyon kong ilagay sa akin dahil kung bibigatan iyon, sigurado akong hindi na babagay sa akin. Isang huling sulyap at ngiti ang iginawad ko sa harap ng human-sized mirror saka lumabas dahil magsisimula na ang event. Ngayon na ang engagement party. Base sa sinabi sa akin ng nakausap kong organizer, lahat daw ng na-imbita ay dumalo. Hindi naman marami iyon dahil hindi naman lumampas sa twenty. Karamihan ay mga kaklase at barkada ni Trivo, mga kamag-anak niya, at sa akin ay mga magulang lang. Hindi ko inimbita ang mga naging ka-close ko sa Sta. Mesa dahil natatakot ako na baka hindi maganda ang sabihin nila sa oras na maghiwalay na kami ni Trivo. This party was

