Nasasaktan man, patuloy akong nakisama. Iniiwasan ko na lang dumapo ang tingin sa pwesto kung saan nakaupo si Trino dahil batid kong sa paraang iyon ako masasaktan. Sa kabilang side lang ako nakatuon kung saan naroon sila Mommy at Daddy. Naroon din ang ilan sa mga kakilala nila, partikular na sa larangan ng business. Maraming mga kakilala si Trivo at karamiha’y mga dating kaibigan. Hindi ko inakala na ganoon iyon karami gayong akala ko, mga pili lang talaga. Nahagip din ng mga mata ko si Dashen at ilan niyang mga kaibigan sa engineering. Napaisip tuloy ako kung talaga bang hindi sila lalagpas sa twenty. Sa inisyal na bilang ko ay umabot pa ng thirty. Buong oras ding nakahawak si Trivo sa aking mga kamay. Ako ang pilit na bumibitaw pero siya itong ayaw bitawan. Naiinis nga ako sa m

