Chapter 1
Hermione’s POV
“bye mommy!” I wave my hand to my mom to say goodbye before closing the door of our house.
Gosh late na naman ako.
“take care herm! Mwah!”
Tumakbo na ako ng mabilis papunta sa tapat ng aming bahay kung saan nakaparada ang kotse. Kuya cedric is my driver. nag umupo, hindi na ako mapakali dahil kinakabahan na agad ako ngayon palang sa terror teacher namin. ganon siya nakakatakot.
“kuya, pakibilisan nalang po late na po ako”
“okay po ma’am”
Pinaandar agad ang sasakyan at mabilis na pinatakbo ang kotse papunta sa aking paaralan. Kinakabahan na ako at baka mag sit up na naman ako sa harap ng klase, huhu.
“thank you kuya! Byee!”
Bilis bilis akong tumakbo sa school para makaabot sa klase. s**t! It’s already 8:23! ilang oras nalang ay gisa na naman ako.
Tumawag ako sa kay xyxy para alamin kung start na ng klase, lagot na naman ako nito kung hindi ako makakaabot.
“Hello Xy! Ano? Start na ba ng klase?”
“jusko yani, dalian mo papunta na daw si Sir Baldovino!”
shet.
Pinatay ko na ang tawag at umakyat sa hagdan. Bakit ba napakataas ng room namen?. Pagod na ang tuhod ko kakaakyat dito sa hagdan. Geez ilang hagdan pa ba ‘to?
Papasok na ako sa room ng marinig ko ang boses ng dalawang bruha.
“yanibels! ditoo!”-xyxy
“hindi pa dumadating si sir?”
“nakita mo ba sa harap ineng?” –meghan, one of my bestfriend.
“ang epal ang epal”
Nakahinga na ako ng malalim dahil nawala na sa dibdib ko ang kaba. Buti nalang talaga at late si sir baldado este baldovino hehe.
Pero sa aming paghihintay kay sir, may pumasok na istudyante at sinabing hindi daw makakapasok dahil may sakit. kaya dahil don nagsaya na naman ang mga kaklase ko, may pakanta kanta pang nalalaman na:
“fooor the fiiirsstt! Tiime in foreeveeerrr! Hahahaha!”
“mga loko hahaha!”
Si sir baldovino kasi ay sobrang strict na teacher kaya karamihan sa ibang istudyante ayaw sa kanya. at kasama na ako 'don. sa tindi ba namang punishment ang ginagawa non kapag nag ingay ka sa klase, sinong matatakot? lalo na at pinaka ayaw niya sa istudyante ang malate.
“omg! Buti nalang talaga wala si sir, kung hindi wala tayong masasagot sa quiz!” -xyxy
“tumpak ka dyan dzaii!”
Isang oras atang nag ingay ang buong klase pero natigil iyon ng dumating na ang subject teacher namin sa english. Konting tiis mga bhie! Isang oras nalang lamunan na.
Nagquiz din kami agad pagkatapos ng discussion ni ma’am kaya nanlumo ang lahat ng kaklase. Kaya nagkatinginan kami n xyxy at nag uusap ang mga mata namin.
Alam na this.
“Meghan hehe, pakopya please”
Bulong naming dalawa ni xyxy sa magkabila’t tenga ni megs.
“oo na! basta may kapalit!”
Napaatras naming dalawa ni xyxy ang aming ulo dahil alam naming ubos mamaya yung pera namin.
Pagalit ni mommy or ubos pera?
“oo sige”-xyxy
Wow, Yayamanin!
Katulad nga ng napag usapan, pinakopya nga kami nitong si Meghan, dahil kung sariling utak ko lang ang gagamitin nganga ako sa quiz dahil sa fifty na tanong ba naman sinong hindi masasakmal ang utak doon? Hayst.
Palakpak ang mga tenga namin ng naka perfect kaming tatlo. Mwehehe worth it naman pala ang mangopya, pero sa susunod sariling utak ko na dapat ang gamitin. Kawawa naman si megs. Hindi ko din alam kung bakit kapiranggot lang ang utak ko pagdating sa pag-aaral.
“oh libre ko ha, wag nyong kakalimutan kung hindi titirisin ko kayong buhay”
“oo na, tara siomai ricee!”
Pumunta kami sa labas ng school para bumili ng siomai rice. masarap kasi ang tinda ni ate kaya suking suki kami don. Nakakasawa na kasi ang mga tinda sa cafeteria. Hindi naming trip ng food dun’.
Pero nanlumo kami ng ubos na ang paninda ni ate at may pumakyaw daw ng tinda nya. Kaya bumalik kami ng luhaan sa school. Geez
“sinong pumakyaw ng siomi rice ni ate?!”
Gulat kaming napalingon kay Meghan ng sumigaw sa mga istudyante. Parang siraulo ang tanga. Nakatingin lahat ng istudyante sa amin dahil sapag kaagaw atensyon ni meg, sa tindi ba naman ng bunganga ng isang ‘to. kaya bagay sa kanya ang pangalan nya. “megan microphone”.
“hoy gaga ka, wag ka ngang sumigaw”
Hinatak na namin si Meghan pagkatapos naming kaltukan habang tumatakbo. Hiyang hiya kami sa lakas ng boses ni Meghan.
pero tuloy pa din ang kanyang pagkabanas at pagkainarte sa istudyanteng pumakyaw daw ng siomai rice ng tindera. it is one of our favorite food. hindi ko masisisi si meghan.
and now, we don't have a choice but to buy our snacks in the cafeteria. ugh.