Chapter 7

2855 Words
  “Helloo Kuyaa!” kaway ni Liam kay unggoy na papalapit sa amin habang masama ang timplang nakatingin sakin ng deretso. Grabe natakot ako mga slight promise.  Nakasukbit pa ang bag niya sa kanyang balikat. Halatang galing pa sa University ang unggoy ah.   Lumapit si Liam kay kuya ng nakataas ang mga kamay, tila inaabangan niyang yakapin. Luh? Yayakapin nya yang unggoy na ‘yan? Ew.   “anak ng! iniwan tayo ng kupal dito!” napalingon ako sa dalawang kasama ni Liam sa gilid ko, kita ko sa ekspresyon ng dalawa ang kawirduhang ginagawa ni Liam, yung isa naka bukas pa ang bibig na anytime tutuloy na ang laway, at ang isa naman nakakunot lang ang noo.   “Hindi tayo close uy, alis nga!” Inis na sigaw ni unggoy na pilit kumakawala sa yakap ni Liam.   ewness.   Nang makawala sa pagkakayakap kay Liam pumunta na siya sa akin habang nakapamewang sa harapan ko. problema nito? Mang iissue na naman yan! kitang kita sa pagmumukha niya! Nakakahiya din dahil sa harap pa ako ng mga kaibigan ni Liam babangayan ng isang unggoy na’to.   “Ano na naman ba?” masamang tingin ko sa kanya. “Noon yung bakla lang na’to! tapos ngayon may dalawa ka na agad! Hoy Hermione! Sumosobra ka na ha!” turo nya pa sakin.   What the f**k?   Nanlalaki ang mata kong tingnan siya sa mga pinag gagagawa niya. Sobrang paranoid nya na, jusko bakit ba ako nagkakapatid ng unggoy? God nakakahiyaa!   “Kaibigan yan ni Liam! Tungaringaks!” sigaw ko sa kanya at tumayo na.    ni-hindi ko nga sila kilala. Pigilan nyo ako! Sasabunutan ko na’to!   “Kuyaa! Asan na ulit ice cream ko? hindi ba sabi mo non lilibre mo ulit ako ice cream? Hehe” singit ni Liam na ngayon ay sinusundot sundot ang braso ng lalaki.   “Hoy ikaw baklito! Iyang kaibigan mong dalawa na-Luh?!” lumaki ang kanyang mga mata kay uhh..basketball player? Kani kanina lang tinuturo niya pa ang isa pero ngayon nakatakip na ang bibig gamit ang kanyang kanang kamay na tila gulat na gulat.   Oh no! umiiral na naman ba ang kabaklaan nya? Don’t tell me may gusto siya kay basketball player? No no! pwede naman yung isa eh, wag lang si basketball player!    “Hermione, kuya, meet my two friend kolokoy! Hehe, si ethan at Franz!” akbay niya sa dalawang kaibigan niya. Cute. Franz huh.   Wait what?   “amp! Sira ulo” “the hell, I’m too handsome to call kolokoy” irap pa ni 'franz'   Taray ah, talagang masungit nga ‘tong kaibigan niya at idagdag pa ang kahanginan sa katawan. Hindi ko tuloy alam kung bakit naging friends sila ni Liam?   “Hoy drex! Bakit hindi ka sumipot kahapon?” kunot noong sabi niya. “Busy bro” ngisi ni ‘franz’   Gusto ko nang maloka sa mga naririnig ko ngayon, magkaibigan sila ng unggoy na’to?! Sa gesture pa lang nilang dalawa sa isa’t isa, halatang magkakilala na sila. Bakit? paano? Eh College na si kuya, tapos highschool siya! Pero itong si ethan kaya friends din nito? hindi ko alam dahil una sa lahat wala akong kakilalang kaibigan ni kuya.      “Nice to meet you po hehe” inabot ng ethan yung kamay niya sa akin. Aabutin ko na sana ang kamay ni ethan ng may biglang kumuha non. Yung totoo, anong problema nitong lalaki  na’to? Napaka kupal.   “Hoy ethan! May namamagitan ba sa inyo ng kapatid ko ha?” nanliliit ang matang sinusuri niya ang ekspresyon nito.   Kingina.   “L-luh! Kuya kakameet ko lang ng kapatid mo ngayon promise!” takot na sabi nito. “totoo ba ‘yang sinasabi mo pre?” “yes pre, maasahan mo’ko pre” ngingisi ngising sabi ni ethan.   Nakasimangot ako sa ugali ng kapatid ko ngayon, lahat nalang ng lalaking nakakasalamuha ko kapag nakikita niya, pagkakamalaan niya nang may something ganoon,  like we are a having a thing or a fling, relationship and what so ever that kind of a yuck what he is thinking. At isa lang ang masasabi ko sa mindset niya, abnormal!   Si Liam naman ay pumunta sa akin at iniakbay ang braso sa kaliwang balikat ko. aliw na aliw siya na parang bata tingnan ang tatlong nag uusap sa harapan namin. Hays, minsan iniisip ko din kung kailan kaya tatanda si Liam eh no? hindi kaya nasobrahan siya sa pagpapainom ng nanay niya ng tiki tiki? Baka kahit matanda na siya akala mo pa ding bata na hinahanapan ka ng ice cream. Wag naman sana.   “Hoy franz, alam kong masakit bro pero please tigilan mo na ang kapatid ko, maawa ka may pangarap pa yan”   “what?” nakataas ang kilay niyang tiningnan si unggoy na parang hindi makapaniwala sa pinagsasasabi niya.  ako den eh. Lahat siguro ng tao, ganun din ang magiging ekspresyon kay unggoy, sa sobrang malisyoso ba naman ng kapatid kong ‘to, jusme sinong hindi magugulat, at in the end ako din napapahiya sa mga pinag gagagawa niya, aish.   “uulitin ko bro, oo tropapips tayo pero-“ “I don't know your sister, we just followed Liam running like a kid to your sister” bored niyang sagot.   Ouch. echoz hehe.   Nakita kong tumango sa side niya ang kaibigan ni Liam na si Ethan. At sana naman malinawan na itong unggoy na’to na kanina pa nag sususpisyo.   “ayan! Abno kase” singit ko ng pabulong.   Napatingin naman siya sa akin ng masama, ano na naman? Tameme ka hano? Ako pa pinahiya mong unggoy ka! Kainis kainis.   “Herm, tell me na ang baklito na’to ay may relasyon kayo, kung ganon isusumbong kita kay papa”   I sighed in disbelief, I couldn’t handle my brother anymore, habang tumatagal siya sa mundong ‘to, palala ng palala ang sakit niya sa pagiging maissue!   “Liam is only just my friend ngaa! Stop it kuyaa for godsake!” pikon kong sabi sa kanya. napatango din si Liam sa aking sinabi habang inosenteng inosente ang mga matang nakatingin kay kuya.   At ayun ang ungas, pasorry sorry pang nalalaman, astig din ah. Tinanguan lang siya ni Franz at ngingisi ngising nagpaalam si ethan.   “ge ingats” Liam na nakangiti ng malapad.   Susunod naman akong nagpaalam kay liam, at sa kaibigan niya. Nagpaumanhin na din ako dahil sa ugali ng unggoy na ‘yon.   “hala! Wala yon” ani ethan saka tumawa. “tss”   Aba,sungit!  tumingin ako sa kaniyang kasungitang mukha. matangos ang kanyang ilong at maninipis ang labi. gwapo nga, masungit naman. “Byebye Hermione hihi! Sabihin mo kay kuya ice cream ko ha?!” “Oo na! Byee”   Tumalikod na ako at tumakbo kay unggoy para bigyan siya ng malupitang batok. Akala niya ha! pinahiya niya ko! Gusto ko siyang batukbatukan ng paulit ulit sa mga ginagawang pagpapahiya sakin!   “Aray! Bakit ba?!” galit niyang tingin.   Imbis na sagutin inirapan ko lang siya, akala niya papatalo ako sa kanya ha, nagkakamali siya! Buti nalang at kuya ko siya kung hindi higit sampong batok pa ang ibibigay ko.   Tumakbo na ako papunta sa sasakyan para umupo sa shotgun seat, ayaw ko ng madinig ang kaingayan niya.   Sumakay siya habang himas himas pa din ang batok niya at kung makatingin gusto ding gumanti. Pero oks lang kung rambulan pa kami dito kung gusto niya! Willing akong makipag wrestling! Subukan niya din akong sabunutan lagot siya kay mommy!   “susumbong kita kay papa!”   “susumbong kita kay papa!” panggagaya ko pa.   Let’s see kung sino ang maaasar ngayon saming dalawa, nasa mood ako ngayon mang asar! Pero sa halip na singhalan niya ako ng palagi niyang ginagawa, humarap siya sa phone niya at may tinawagan. Hindi ko alam kung sino kaya lumingon nalang ako sa bintana sa side ko.   Pagkatapos niyang makipag usap sa kung sino man saka kami umalis at nagbangayan habang umaandar ang sasakyan. Wala kaming pinagbago kahit isang araw man lang, walang araw na hindi kami nagiging aso’t pusa ni kuya. At hinding hindi kami magiging katulad ng ibang magkakapatid na ang susweet. Gusto namin ay bangayan.    “Mommy I’m home!” Sigaw ko sa sala at mabilis na kumaripas ng takbo papunta sa taas sa kwarto.   Mahirap na dahil babawalan niya na ako sa lahat, mabuti na’t ngayon ko na itatago kahit kalahati lang ng laman ng ref ko wahaha!   Rinig ko pa hanggang sa baba ang sumbong ni unggoy sakin, napapasobra pa ang sumbong, napaka epal talaga non. umirap nalang ako sa kawalan. bagay sila ni meghan, mga nakalunok ng microphone. pag untugin ko silang parehas.  mamaya na ko makikisali sa pagsusumbong niya.Iintindihin ko na muna ang pagtatago ng mga junk foods at drinks ko sa pader ng ilalim ng kama at sinadya kong guluhin sa tiklop ang comforter ko dahil ilang sukat nalang sasayad na sa sahig. I think my plan will go well.   Pagkatapos kong mailagay lahat ng mga pagkain ko, saka ako humiga sa kama ng may ngiting tagumpay, pero agad ding napatingin sa pintuan at napalitan ng gulat ang ekspresyon ko.   “What.are.you.doing.young.lady?” nakangiti pero nakakatakot ang muka na sabi ni..ni…   “Mommy! Hehehehehe” gulat kong bati. nagsimulang maglikot ang mga daliri ko sa likod.    Oh my god, nakita ba ni mommy? Tell me no please. Hindi ko man lang narinig ang pagbukas ng pinto or sadyang hindi ko nasarado ang pinto sa pagmamadali? Halaaaa, at kung nakita niya akong may tinatago, tugis na talaga ako, kitang kita palang sa muka ni mommy, nakakatakot na.   “what’s with the bed? Anong nilagay mo sa ilalim ng kama mo?” Mommy smile so sweetly, but apparently creepy. “w-wala po! Naglinis lang hehehe” kabado ako bente.   Kinakalikot ko ang daliri ko sa likod at nag iisip ng mga palusot ko kay mommy. Hindi naman ako papabayaan ni Lord hindi ba? Ang bait bait kong bata para ihulog niya ako.   “Then can I see what’s under your bed honey?” “ah hehe, mommy kasi ano eh, uhm ano… uh… madumi! Opo madumi saka maalikabok yung ilalim ng kama, hindi pa po ako naglilinis ng k-kwarto hehehe” “hm, ‘kay if you say so, let’s go downstairs na, dad’s here, we’ll eat” sabi niya at bumaba na.   Nakahinga ako ng malalim dahil sa palusot ko. Napayes yes pa akong bumubulong at patalon talon with matching suntok sa ere. Hindi niyo ako masisi dahil ngayon lang ako nakalusot. Thank youu Loord!   Masigla akong bumaba sa hagdan at binati si daddy galling sa trabaho at humalik sa kaliwang pisngi niya bago umupo at kumain sa tabi ni unggoy.   “Paa! Eto palang si hermio-npqahshmp!” “Eat ka ng marami kuyaaa!” sweet na sabi ko, pero sa loob loob ko diring diri ako.   Sinamaan niya ako ng tingin dahil nasamid siya at tumawa ako, pero pinagalitan ako ni daddy sa kasutilan ko sa kapatid ko kaya napanguso ako.   “Sorry dad, wala naman kasi siyang sinasabing katotohanan na sasabihin, promise!” angil ko at pinandilatan ng mata ag kapatid. “I know, I just want to hear your brother saying lies, cute” ngiting sabi ni daddy at tumingin kay mommy. anoo? cutee? sabagay pang aso lang naman ang salitang cute. pagbigyan. “Paps naman! Hindi niyo na ba ako mahal?” emosyonal niyang sabi habang hawak ang dibidb na akala mo nasasaktan. Hindi ka magaling umarte para sabihin ko sayo!   Hindi na pinansin ni daddy ang sinabi ni unggoy at tinanong nalang kami tungkol sa araw namin sa eskwelahan. But mommy stay silent the whole dinner, don’t know why.   I went upstairs na pagkatapos kumain para maligo at magsipilyo, because that’s what I’m doing every evening and do my skincare kahit ayaw ko, si mommy lang ang nagpupumilit sakin mag ayos sa sarili ko. After kong maligo, lumabas akong naka bathrobe at pupunta na sana sa walk in closet ko ng magulat ako ng makitang nakasandal si mommy sa gilid ng pinto ko at may hawak a flashlight sa kamay.   Para san yun?   “mommy uhm, bakit po?” kabado kong tanong. “Why are you stuttering? Let me see whats under your bed” seryosong sabi niya.   Parang nawala lahat ng kasiyahang naramdaman ko kanina dahil sa sinabi ni mommy, at kabang kaba na ako dahil papalapit na siya ng papalapit sa kama ko. Akala ko malulusutan ko na si mommy kanina, hindi pala huhu.   Pagkataas niya ng comforter ko, parang gusto ko ng tumakbo dahil alam ko na ang mangyayari dahil wala na akong pwedeng sasabihing palusot kay mommy. Saka niya ni-on ang flashlight at tinapat doon sa ilalim saka siya yumuko. Wala na, katapusan ko na huhu.   “why are you lying to me herm? I didn’t see a little dust here and there’s nothing under your be-…”   Makakahinga na sana ako pero napahinto si mommy, ng tinapat niya sa pader ng ilalim. Oh noo!   “Hermioonnee Yvonnnee! What are these things?!” “Sorry moomm!” nanginginig ang tuhod ko habang tumatakbo sa walk in closet ko. Patay na ako nito! huhu I thought I was saved by God, but I was wrong!   “We’ll talk downstairs after you get dressed young lady! Do you get that?!” mommy said then I hear the door closed.   “Halaaa” gusto ko ng umiyak huhu. Is it time to say goodbye to my babies?   Tinagalan ko talagang magbihis dahil natatakot na ako ngayon palang sa rants ni mommy na matatamo ko mamaya, at nagbabalak na huwag ng bumaba, kaso mas lalong iinit ang ulo ni mommy sakin. Bahala na si batman.   Nakayuko akong nakaupo sa sala habang pinapagalitan ni mommy ako. Nakita ko pang nakasilip si unggoy doon at si daddy sa gilid ng pader, kita din sa kanila ang takot dahil sa boses palang ni mommy talagang galit.   Pero hindi pa din maalis sa akin ang asar, dahil si unggoy may hawak pang popcorn ang bwisit! Tapos nang tumingin sakin tuwang tuwa pa siya sa nangyayari. Kung isumbong ko din kaya siya eh no?   “From now on, you’ll eat only healthy foods every morning, lunch, dinner and even meriendas! No street foods nor junk foods are allowed to you! And I’m also getting you an instructor for your physical fitness to improve your body so that it would be more fit! And also jog every 5:00 am in the morning!”   is dis dejavu? “Y-yes mommy” ang hirap. “So go to sleep now, we’re starting tomorrow, wala ng magpupuyat ha?” sabi niya at iniwan akong nakaupo sa sofa.   Tumayo na ako sa pagkakaupo at dederetso na ng makitang humalagapak sa tawa ang nag iisang unggoy sa bahay! Aba naka turo pa! inalis ko ang pambahay kong tsinelas at binato sa kanya kaya natamaan siya sa ulo. Buti nga sayo!   “Aray! Inaano na naman kita? Susumbong kita kay papa! Papa nga oh” “don’t mind your brother, baby” sulpot na sabi ni daddy saka ako niyakap.   “sorry, hindi kita napagtanggol sa mommy mo alam mo naman yun” nakangiting sabi ni daddy habang nakalapat ang kanyang palad sa batok.   “Awts! Under ka lang kay misis eh hahahaha!” pang aasar ni unggoy. “shut up huideson” nakangisi namang ganti ni daddy.   Napairap nalang si kuya at nagpapadyak nag walk out. Paano, ayaw na ayaw niyang tinatawag siya sa first name niya, mas gusto niya lang ang second name siyang tinatawag na clyde. baligtad si unggoy. Baligtad siya sa lahat.   “sorry daddy, I made mommy angry” nakangusong sabi ko. “It’s okay baby, para sayo lang din ang ginagawa ng mommy mo sayo” ngiting sabi niya.   Pagkatapos akong icomfort ni daddy, sinabihan niya na akong matulog na at baka mahighblood na sa akin si mommy ng tuluyan.   “if you win that pageant, I’ll treat the family out of country” ngisi ni daddy   Halaaa!   “oh my gosh! Where daddy?” excited kong tanong. “England” ngisi ulit ni daddy. natural na nanlaki ang mata ko sa sinabi ni daddy. I've never been there. sabi ng pinsan ko ay madami daw gwapo don! char. “Omooo! Goodnight now I’m going to sleep na love youu!” humalik ako sa pisngi ni daddy at excited pumanik sa taas para matulog.   Pero nang buksan ko ang pinto ng kwarto ko, laking gulat ko nang may nakita akong pigura ng tao. anong ginagawa ng unggoy na'to dito? Don’t tell me pagkain ko sa ref ‘yon?!  tiningnan ko ng mabuti ang kinakain niyang hawak hawak at tila hindi napansin ang presensiya ko sa likod niya. Pagkain ko ngaaa!   “KUYAAAAAAAA!” galit kong sigaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD