I immediately run to a girl I saw in front of a Japanese Restaurant. My cousin s***h bestie. She’s with her Family.
“Ate cheskaa!” I said and excitedly hug her tight.
“Yvoone! Long time no see maree” ngisi niya.
Mare amp.
I turned my head to her family with a smile and be touched with their hand to put it in my forehead as a respect. Kuya did that too. Bait baitan kumbaga.
“binata’t dalaga na ah” tito complimented us smiling.
I know right tito. Char.
Si kuya naman, nilabas ang kahanginan niya at ‘maliit’ na ‘bagay’ lang daw iyon. But when they call him 'huideson', he instantly walked out to go inside first in the restaurant and leave us behind that make us laugh. Monkey King ng walk out.
Ate Cheska and I talked a lot of things while eating with the fam talking with our business. Kasali na din si kuya dahil dad is training him basic things according to our companies how to run a successful company.
CEO na unggoy, pwedeng pwede ipa Jessica soho. charot.
corny.
Ngingisi akong kumain sa naisip. Si ate cheska naman nag excuse dahil pupunta daw ng comfort room. Nakisali na din ako sa mga pinag uusapan ng mga kamag anak dahil naiba na ang topic nila.
“what course you’ll take in college yvone?” nakangiting tanong sa akin ni tita, at lahat sila ay inaabangan ang sagot ko. highschool nga hindi ko alam kung anong course kukunin ko, college pa kaya?
Songs.
I feel uncomfortable with the question, and also when tita called me by my second. Relax tita mo yan. And my brother loom at me with a mocking face. I questioned myself what course I’ll pick. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam sa sarili ko kung ano.
Ang alam ko lang ay tumawa sa school at makipagdaldalan sa dalawa at sa kaklase. Yun lang ata ang ambag ko sa mundo na’to. pero ayos lang dahil atleast napapasaya ko sila.
But when I remember what favorite subject I love the most to answer, there’s an imaginary light bulb pop in my mind. Siguro ‘yon na. bahala na.
“e-engineering po” kabado kong sabi.
hindi mo sure.
Pero lahat ay napatingin kay kuya ng masamid ito. Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon. “Huideson” I hissed.
Then he immediately excuse himself and went to the men’s cr to bring out his tantrums. Daddy and I smirked and Mom was pouting while looking at kuya walk away.
Easy. Defeat agad.
“wow, what a good dream you have hija” papuri sa akin ni tita at sinabayan na din ng lahat. Enebe, hindi pa ho ako sure ehehe.
"someday, you are going to be build our buildings in manila" proud na sagot ni daddy. ngayon ko lang sinabi kung ano ang gusto ko maging paglaki. but they did not know, hindi ko pa sure.
“kung hindi po papalarin future nalang ng engineer” nahihiya kong pagbibiro sa kanila.
Tito and tita laugh but mommy is glaring at me and daddy’s eyes became small, eyeing at me. Luh joke lang naman eh. I pouted when I see mom looking at me like she’s sermonizing me with her eyes.
Sorna nga eh.
After few minutes, finally ate cheska come out to the comfort room. Akala ko naflush na ng kubeta. Nasa likod din niya si kuyang nakasibangot. Mas bagay sa kanya ang mukhang iyan. Napapaganda ang araw ko.
Umupo sa katabi ko ang pinsan ko at ngingisi ngisi. Nakakahawa ang ngisi niya kaya napangisi din ako sa walang dahilan. Normal ba iyon?
“bakit ka ngumisi?”tanong niya na mas lalong nagpangisi sa akin.“wala lang, kita ko lang sungki mo” ganti ko.
Doon nawala ang ngisi niya dahil para tumawa ako. “whatever” irap niya sa akin.
Ilang minuto pa, nagpapaalam na ang mga magulang at si kuya kila tito Clarence. Samantalang kami ng pinsan ko ay nagbubwisitan pa at naghahablutan ng buhok. Naka semi-formal kaming suot pero ang pagkilos namin ay jologs sa harap ng tao. Well, wala kaming pakialam.
“punta ka sa bahay next time!” sigaw niya.
Pagkatapos, sumakay na kami sa kotse ni daddy at dumeretsong bahay. I feel sleepy when we reached home. Agad kong hinubad ang sariling takong nang makarating sa pinto ng bahay. Ang sakit ng ankle ko.
“herm, take your paper bags in the sofa, nilaban na ni manang” I walk to get the paper bags in the sala. it’s in the sofa.
When I open my room, I immediately put it down inside the walk in closet what I’m holding then I throw myself in the bed. But quickly stood up when I hear my mom’s footstep.
I grab my robe then went to the bathroom to take a shower. Antok na antok akong nagtootbrush at naglinis ng katawan. After that, I sat in front of my skin cares and my mirror. Putting some cream to my face and lotion in my body.
Saktong kumatok si mommy sa cr ng pinapatuyo ko ang buhok ko gamit ang blower. Lumabas ako pagkatapos at pumunta sa closet. Mom already stack it nicely what’s in the paper bag. Alam niya kasing hindi ko gagalawin iyon.
I hug and kiss mommy in the cheeks and say my goodnight to her. Hinanda niya na rin pala ang vitamins kong iinumin. Hindi siya umalis habang hindi ko iniinom iyon. Pinagsabay sabay kong inilagay iyon sa bibig at ininom.
“goodnight baby, I love you” then my door closed as well as my sleepy eyes.
In the morning, I woke up very too early because of my routine exercise every day. I’m shy because of my looks. Sabog akong nagjojogging sa village kasama ang instructor ko.
After my exercise, my instructor already left after he said goodbye to mom. I went upstairs sweating and take my robe to take a shower. Nagtagal ako ng ilang minuto sa ilalim ng shower dahil sa pagod dahil maaga pa naman para magmadali sa klase.
Just in hour, like what I was doing every day, I say goodbye to my parent’s and have an arguments with kuya a little then come to my driver to take me to my campus. I receive a message to my teacher saying it’s our first practice and pagpili kung sino ang ilalaban sa grade 9 today. Pabor na din sa akin iyon dahil makakatakas ako sa dalawang periods namin bilang kapalit ng pagrampa sa stage.
Gagalingan para sa England hoho.
Bumaba ako sa sasakyan at nagpaalam bago tuluyang maglakad papunta sa building namin. Pagdating sa pintuan, ingay ang sumalubong sa akin. Palagi naman kaming ganyan eh, maingay.
Pagkaupong pagkaupo ko sa upuan ko ang pag papunta ni xyliah sa harap ko. “sistaa! may nagfollow sakin sa ig na gwapoo oh my god! Can’t breathe!” tumatalon talon niyang sabi habang ipinapakita sa akin ang laman ng followers niya sa ig.
I rolled my eyes when I see the profile who followed her in ig. May girlfriend yung lalaki. Nagscroll scroll pa ako sa posts niya. There are too many emojis every captions in his posts. Hindi halatang sarcasm. Tatawa tawa ako ng makita ni xyxy at meghan ang mga posts. Pagkatapos kiligin, binash na ng dalawa. Napaka talaga.
“ang jeje” nanghihinayang na sabi ni xy at in-unfollow ang lalaki. “gwapo pa naman” singit naman ni meghan.
“tingnan mo nga si totoy, kalbo nung grade 7” pagkikisali ko na din. Tumawa kami at nakisali sa ingay ng klase.
Pagkatapos naming mag usap usap sa walang katuturan, dumating na ang unang period namin ngayong umaga. Puro discussion ang ginawa at kami lang ay nagtetake down notes sa mga dapat tandaan. Malapit na din kasi mag periodical sa third quarter. Kailangan ng mas maging magilas para kumopya.
Nang pumatak ang 12 pm ay kanya kanya kaming unahan sa likod ng tricycle ni manong. And guess what? Ang pwet ko ang unang nakaupo sa likod. Binelatan ko silang dalawa sa pagkatalo at tumawa. Sa Mcdo ang destinasyon namin para kumain ngayong tanghali. At sabik na sabik ulit maglaro doon sa palaruan ng mga bata.
Ikinuwento ko sa kanila habang kumakain na excuse ako sa dalawang subject mamaya dahil may practice sa pagrarampa sa gaganaping Mr. and Ms. Saber National Highschool.
“hope all” nakangusong sabi ni meghan.
When we finished our lunch, nag order pa kami ng sundae bago umalis at bumalik ulit sa eskwelahan. After one subject has passed, sinundo na ako at ni Brycen ng adviser namin at iexcuse dahil magsstart na kaming mag start. Bawat hakbang ko ay ang palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. si Brycen naman ay parang wala lang sa kanya iyon dahil sanay na siya. Childstar ‘to bes.
What if madapa ako? matisod or mapatid? Tapos may b***h na mang-aaway sa akin at bubully-hin ako. Sasabihing magback out na dahil ako nababagay sa kagandahan nila? Edi babye England na?
“hey, you’re overthingking, hindi ka na masanay” ngising nakaharap sa akin si Brycen habang naglalakad.
Itinagilid ko ang ulo ko sa mga naiisip ko. hinampas ko ng dalawang beses ang sariling dibdib at sumagot kay Brycen “sinong nagsabe? Sanay na to oh” kabado ako bente.
“yeah?” nakangiti niyang sabi saka ako inakbayan. Akbay kaibigan yan mga brad. Pero sa mga nakakakita sa amin na taga ibang section, ay halos magbulungan sila ng puro issue.sikat kasi si Brycen dahil nga sa pagiging child’s star niya. Then I remember meghan who have a crush on him.
Ayoko pang mamatay, please lang. babalatan ako ng buhay ni meghan kung makakarinig siya ng ganitong issues. But seeing us like this, she doesn’t gave malisya. Alam niya naman iyon.
“mag jowa yung ilalaban sa Grade 10!” napalingon kami sa nagsabi noon. Mga grade 8 students. Tinitingnan kami. Napatawa nalang kami sa mga naririnig.
Engineer ho type ko, pasensya kayo.
Pagdating namin sa gymnasium, kita ko na ang mga candidates bawat section. Nagdarasal na akong sana ay mapili. May nakikita din akong kalalakihang ang gagwapo. Heaven.
Napatingin sa amin ang iba ng dumating kami ni Brycen. Kita sa mukha nila ang pagkadissapoint. Dahil si Brycen na naman ang ilalaban ngayong taon. Palagi siya ang napipili ng mga baklang teachers dahil sa taglay nitong rumampa at kaastigan magpose. Fafa Brycen ni meghan yarn.
Samantalang ako ay grade 8 lang napasali. Ngunit hindi napili dahil hindi ako ganoon kaeksperto harapin ang tao ng taas noo habang rumarampa. Pero dahil awa ng Diyos, naitanghal ako bilang Ms. Saber last year. Ibang gayuma ang napainom ko mga bes.
“Goodluck” tinapik ako ni Brycen dahil tinatawag na kami. Ngumiti nalang ako sa kanya at naglakad na papunta sa dalawang baklang teacher na instructor palagi pag ganitong mga events. Basta pageant.
Huminga ako ng malalim pagkatapos kaming papilahin sa harapan ng hagdan ng stage. Tiningnan ko ang candidates na rumarampa ngayon sa itaas ng stage. She’s with her wide smiles. Pero ang pagrampa, pasok na din sa akin kahit papaano. Maayos.
Ngunit ang kasunod ay nakabusangot at naglalakad lang sa stage. Halatang napili siya ng section niya by her looks. But not good enough to be a candidate of the Grade 9. Agad siyang bumaba at lumakad na ang susunod paitaas ang nasa harapan ko. wow, she’s great. Want ko ng magback out.
Napangiti din sa kanya ang isang bakla ngunit ang isa ay nanatiling walang reaksiyon. Hindi pa pasado a kanya yon ah?
Nang turn ko na, inalis ko lahat ng nasa isip ko at umakyat sa itaas. Kahit sobrang pressure na ang nararamdaman ko, nakangiti pa din akong umaakyat sa hagdaan at rumampa sa stage habang nakatingin sa dalawang nanonood at hindi pinakaelaman ang nasa paligid.
PARA SA ENGLAAND!
Swabe ako umikot at ginaya ang cat walk ni Catriona gray. Tumingin ulit akong nakangiting nakalabas ngipin sa dalawa. Nakangiti ang dalawa sa akin dahilan para makaramdam ako ng kaba sa loob.
Pagkatapos kong rumampa ay kinuha ko ang mic sa harapan at ipinakilala ko ang sarili “Hermione Yvone Delos Angeles, From 10 Galaxy!” kita kong pumalakpak ng mahina ang isang instructor bago ako tumalikod rumampa para sa exit ko.
Pagkababa ko ay ang pagtingin sa akin ng masama ng nauna sa akin. Yung magaling rumampa. Maganda nga b***h naman pala. Umirap pa siya sa akin bago siya tumalikod.
Nanood nalang ako sa dalawang sumunod na candidates at naghuhumarentado na ang puso ko pagkatapos non. Magpipiliian na. nakapose kaming lahat sa stage at kanya kanyang hawak sa mga bewang.
“the candidate of a grade 9 student is…”
Hinihintay ko ang pag announce ng teacher at kinakabahan sa pagpapabitin. Si b***h naman ay ngiting ngiting nakaharap sa harapan. Feel na feel ‘te. Pero tanggap ko naman na siya ang mapipi-
“Ms. Delos Angeles! Congratulations”
Napanganga ako sa narinig. Nakangiti ang dalawang teacher sa akin habang pumapalakpak naman ang mga istudyanteng mga nanonood. Gago joke ba yon? tiningnan ko ang katabi kong maldita. Hindi na ito makangiti at bakas sa mukha niya ang galit.
Well, pasensiya na ha? Godbless. Maldita ka kasi.
Nakangisi akong humarap sa harapan at yumuko ng kaunti sa kanila bago bumaba. Lumapit sa akin ang ibang candidates na natalo ang cinongrats ako. Bida ang sayaaaa.
Pagkatapos magpasalamat ay lumapit sa akin si Brycen at nakipag apir. Napangisi akong lalo. Parang kasarap magyabang.
“easy” ngisi ko habang nasa kanang balikat ko ang kaliwang kamay. Umaaktong inaalis ang dumi doon.
“ginalingan talaga” natawa kami pareho.