Pagsapit nga ng gabi ay nagpa-room service na kami para iwas na rin na magkitaan kami sa labas. Alam ko kasing iistorbo lang ang Trina na iyon sa ‘min. Gustuhin ko mang awayin siya kaso masisira ang honeymoon namin ni Landon kaya bahala na muna siya sa buhay niya. Nang okay na nga ang lahat ay kaagad na ini-lock ni Landon ang pinto at nagsimula na kaming kumain. Sinigurado niya rin talagang hindi nai-spoil ang gabi namin. May jacuzzi naman dito sa loob kaya dito na lang kami mag-e-enjoy. Nag-enjoy ako sa steak with wine. Parang gusto ko pa ngang umisa pero huwag na at baka maulit na naman ang diarrhea namin. Sa sobrang takaw eh naimpatcho. Nauna ng pumunta si Landon sa jacuzzi at magfi-film viewing din kami. May dala siyang champagne kaya nagbihis na rin ako. Suot ang aking orange bikini

