Nakangisi ako habang nakatingin sa manager ng hotel na pinag-i-stay-han namin. “I really hate the idea of putting something shiny inside your jacuzzi room. It can cause accidents,” saad ko. Nagpa-panic na tiningnan naman niya ako. “We are very sorry Sir. I will make sure I will notify this to our head,” aniya. “You better do. I paid you a lot for this vacation with my wife,” matigas kong wika. “Will do Sir, right away,” aniya. Tumango naman ako at naglakad na pabalik sa suite namin. Hindi ko pa rin matanggap ang kahihiyang nangyari sa ‘kin kagabi. Mabuti na lang at in born akong guwapo at macho. Hindi naman siguro na-turn off sa ‘kin ang my love ko. Kahit papaano ay hindi naman napilayan ang katawan ko. Pinagpala ako sa laki ng puwet kaya medyo masakit lang siya. Hindi masiyadong m

