Matapos ngang masira ang honeymoon namin ni Landon ay napagpasiyahan na naming umuwi dahil kailangan din siya ng kompaniya niya. Kasalukuyan kaming nakatira muna sa bahay nila. Minsan naman sa condo unit niya habang ipinapagawa pa ang bahay namin. Kinausap na rin ako ni Mommy Marie na huwag na muna magtrabaho as his secretary para maalagaan ko nang buo ang anak niya bilang asawa niya. Gustuhin ko mang umayaw pero tama rin naman siya. “Menchie!” Napatingin ako sa living room nang makita si Mommy Marie roon. Nakaupo at may hawak na folder. Lumapit naman ako sa kaniya at bumati. “Good morning po,” saad ko. Kaaalis lang din ni Landon papasok sa opisina niya. “Halika, may ibibigay ako sa ‘yo,” wika niya. Nagtaka naman ako kung ano ‘yon. Tumabi ako ng upo sa kaniya at malaki ang ngisi n

