EPILOGUE

2667 Words

“Mommy!” Napalingon ako at umiiyak na mukha ni Ai ang bumungad sa ‘kin. “Manang, ano’ng nangyari?” kunot noong tanong ko sa kaniya. Nandito kasi kami ngayon sa isang children’s party ng business partner ni Landon. “Hindi ko nga po alam Ma’am eh. Pasensiya na po talaga, bigla kasi siyang tumakbo kanina. Hindi ko na po nahabol. Nang makita ko po nakaupo na siya sa sahig at umiiyak,” sagot ni Yaya Medy. Napapikit naman ako at alangan namang sa kaniya ko ibunton ang inis ko? Niyakap ko na lang si Ai at itong batang ‘to rin kasi sobrang likot. Kahit ako minsan napagtataguan niya. Hindi ko rin masisisi si Yaya dahil matigas din talaga ang ulo ng anak ko. Pinunasan ko ang mukha niya at nakita ko ang pulang marka ng kuko sa kaniyang braso. Napaigtad pa siya nang kaunti nang hawakan ko iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD