“Tingin ko manganganak na ako,” mahinang saad ko kay Landon. Ngumingiti-ngiti lang siya na para bang natutuwa siya. “Bakit?” tanong niya. “Kasi kanina pa ako pabalik-balik sa CR,” sagot ko. Kita ko namang hindi siya nagpa-panic kaya nakahinga ako nang maluwag. “Ang sabi roon sa pregnancy guide may brownish or reddish na discharge, may nakita ka ba?” Tumango naman ako bilang sagot. Nagulat ako nang mabilis na tumayo siya sa pagkakahiga at may kinuhang bag sa gilid. Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Nagbihis pa siya ng damit at pabalik-balik lang siya sa paglalakad sa harap ko. Napapikit ako sa glit nang magsimula ang contraction sa tiyan ko. Nahihilo na ako kay Landon na tila animo’y wala sa sarili. “Landon,” mahinang tawag ko sa kaniya.

