Mabilis lumipas ang panahon at ngayon nga ay lumalaki na ang impis kong tiyan noon. Nakasuot ako ng gown at may party kaming a-attend-an ngayon. Kailangan kong samahan ang asawa ko dahil ayaw pumunta kung ‘di ako kasama. Habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin ay lalo akong napangiti. Ang ganda ko lalo. Napapitlag ako nang makita nang biglang nagpakita si Landon sa aking likod. Sa inis ko nga ay nabatukan ko. “Aray!” reklamo niya. “Naman kasi, magsabi ka kung nasa likod kita hindi iyong ginugulat mo ako,” inis kong sabi. “Garbe ka naman, love. Hindi mo ba narinig ang yapak ko kanina habang papalapit dito?” aniya. Sinamaan ko nga ng tingin. “Kung narinig ko eh ‘di sana hindi ako nagulat,” sagot ko naman. Napakamot siya sa ulo niya. “Sorry na,” wika niya at nginitian ako. Napaik

