Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba ang ginagawa ng damuhong ‘to o hindi. Kada pasok ko sa opisina eh may kape at isang tangkay ng pulang rosas araw-araw sa table ko. Gusto ko mang pagsabihan siya pero ayaw ko rin. Eh sa nagagandahan din ako sa bulaklak at isa pa adik ako sa kape. Starbucks pa kaya aayawan ko pa ba? Hindi masiyadong nag-aabot ang landas namin ngayon dahil busy siya sa kaniyang trabaho. May mga investor na dumating kaya inaasikaso niya iyon. Nanibago nga ako at ibang-iba pala talaga siya kapag trabaho na ang pag-uusapan. Habang nagtitipa sa keyboard ay biglang sumagi sa isipan ko ang mga sinabi niya. Napabuntong-hininga na lang ako dahil ramdam ko rin ang mga iyon. Hindi iyon mawala sa isip ko at sinusubukan ko rin namang timbangin. Alam ko naman kasi ang totoo sa sarili k

