Bandang hapon ay bumaba na ang lagnat niya kaya napagpasiyahan kong umuwi na. Ang suwerte naman niya kung babantayan ko siya hanggang mag-umaga ano? Kaya na niya ang sarili niya at malaki na siya. Hindi ko na hinintay na magising siya dahil naiilang ako. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin kapag nagsimula na siyang magtanong. Paglabas ko nga ay siya namang pagdating ng isang kotse at may kasamang gwapo at matangkad na doctor si Tita Marie. “Menchie, uuwi ka na ba?” tanong niya. “Hello po Tita, yes po. Magagabi na rin po kasi. Huwag po kayong masiyadong mag-alala at bumaba na po ang lagnat ni, Landon,” sagot ko. Nilapitan niya ako at hinawakan ang aking kamay. “Thank you so much, Mench. Anyway, this is my husband. Doctor Augustus Racini,” pagpapakilala niya. Nagulat naman ako

