Naudlot ang pag-uusap namin ni Riz dahil kakain na. Madili na rin ang paligid at tanging ilaw na lang ng camp fire ang nagsisilbing ilaw namin dito. Pagkatapos nga naming kumain ay nag-toothbrush na ako. Pumasok ako sa tent namin at hinanap ang aking facial wipes. Maaga kaming matutulog ngayon dahil aalis kami ng maaga bukas at pupunta kami sa batis. Habang inaayos ko ang gamit namin ay t’saka ko lang napansin na tabi kami ni Landon na matutulog. Napalunok ako at napailing. “Hindi puwede, hindi puwede talaga,” saad ko. Kinuha ko ang aking bag at bag niya para ilagay iyon sa gitna para maging dibisyon namin. Napagiti ako at humiga na. Sa sobrang pagod na rin ng katawan ko kaya gusto ko na agad matulog. Ilang saglit lang naman ay pumasok na si Landon. Ang laki ng ngisi pero nang makita ang

