Naghanda na nga kami para sa gagawin naming hiking. May grupo kaming sinalihan na magiging kasama namin sa aming paglalakbay. Kita ko naman ang excitement sa mukha ni Landon. Isang sikat na bundok ang pupuntahan namin ngayon. Hindi ko alam kung ano ang aasahan ko ngayon pero ito ang first time na gawin ‘to. Habang nagmamaneho nga siya ay pangisi-ngisi pa. Hindi ko alam kung normal pa ba siya. Palagi na lang kasing nakangiti. “Okay ka lang?” Hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin siya. Hindi na kasi maganda ang ipinapakita niya eh nag-aalala na ako. “Huh? Of course!” sagot niya. Tumango naman ako. Nang makarating kami sa assembly-hanan namin ay nagulat ako nang makitang pares-pares silang lahat. “Nandito na pala si, Mr. and Mrs. Racini,” wika ng lalaking naka-hiking suit. Ka

