HB-53

3205 Words

Tumikwas ang kilay ko nang makita si Aria kasama ni Landon. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang ngitian o ano pero mas pinili kong huwag na. Ang swerte naman niya. Ano siya hello? Nagulat naman ako nang yakapin ako ni Landon at kaagad na siniil ng halik. Kita ko naman ang pagngiti ni Aria at umiwas ng tingin. Mukhang kakaiba ang mood niya ah. “Sige po Ma’am, Sir. Mauuna na po akong umuwi,” wika niya nang may huminto ng taxi sa tabi namin. Tumango naman si Landon at nagpasalamat sa kaniya. Kahit na labag sa loob ko ay tinanguhan ko lang siya. Pumasok naman na kami sa kotse at umalis na rin si Manong. Panay naman ang lambing sa ’kin ni Landon. Hmm, mukhang nakakapanibago lang. “Landon, may nagawa ka bang mali? Siguro may kasalanan ka sa ‘kin,” wika ko. Kumunot naman ang noo niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD