“Grabe!” ani Mommy. “Ano’ng klaseng utak ba mayroon ang pamilyang iyon? Ano’ng akala niya sa ‘tin?” dagdag niya pa. Kita ko pa nga ang inis sa mukha niya. “Pasensiya ka na Mare at hindi ko na napigilan ang sarili ko,” mahinang wika ni mama. “Sus! Kung malapit lang ako sa kaniya hindi lang caldereta ang matatanggap niya. Ipapaligo ko talaga sa kaniya ‘yang sauce ng lechon,” dagdag niya pa. Tumahimik na lang ako dahil nagsimula na silang magtawanan ni mama. Mukhang tuwang-tuwa sa sinapit ng Irene na ‘yon. Bandang alas-nuwebe ng gabi ay nagsipaalam na kami na umuwi. Gabi na at gusto ko na ring magpahinga dahil sa nakakayamot ang araw na ‘to kahit masaya naman. Habang nasa biyahe ay hindi umiimik si Landon. Hindi ko nga mawari dahil simula nu’ng mangyari ang nangyari kanina biglang par

