Birthday ngayon ni Mommy kaya kasalukuyan naming tinatahak ang daan papunta sa bahay nila. Nandoon na rin sina mama siyempre magkumare silang marites. Si Mommy ang bagong recruit nilang sossy na marites. Naka-LV na marites. Pagdating namin ay kaagad na pumasok kami sa loob. Dumeritso naman na kami sa dining area at nakita silang masayang nag-uusap. Kaagad na nilapitan naman ako ni mommy at niyakap t’saka hinaplos ang aking tiyan. “Happy birthday Mom,” bati namin ni Landon. Iniabot naman niya ang napili naming regalo para sa kaniya. Tuwang-tuwa naman siya. “Nag-abala pa kayo,” aniya. Ngumiti lamang kami at umupo na rin sa long table nila. Si Mama naman ay busy pala sa kusina at busy sila roon. Si Tatay at Daddy naman ay nag-uusap. Mukhang magkakasundo sila sa ibang bagay. Si Angel nam

