NATASHA'S POV "Ang kapal ng mukha ng babaeng iyon! Ang landi niya!" bulong ko sa sarili habang pabalik-balik ng lakad. Hindi kasi ako mapalagay sa nakikita ko kanina, hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman, nagseselos ako sa kanilang dalawa kahit alam kong ni konti ay wala akong karapatan. Humiga ako sa aking kama, wala na akong planong lumabas pa dahil nakakabuwisit ang mukha ng babaeng iyon. Mas mabuting dito na lang ako kesa magpapalitan kami ng masakit na salita. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Harry, bumalikwas ako nang bangon at tumayo. "Bakit ka nandito? Awayin mo ba ako dahil sinaktan ko ang bastos mong girlfriend?! Lumabas ka rito dahil ayokong magkasagutan na naman kami nang dahil sa tulad mong playboy!" "Bakit ba ang dami mong sinasabi? Saka ba

