Gusto ko na siyang angkinin mahalin at pakasalan, pero kapag gawin ko iyon ay si mommy ang una kong makalaban. At baka siya mismo ang pumatay kay Natasha. Nang matapos ko na siyang pinaliguan ay dinala ko na siya agad sa kuwarto upang magbihis, kahit nakahubo ay hubad siya ay wala akong planong pagsamantalahan siya dahil alam kong wala siya sa sarili dahil sa sobrang kalasingan. Hindi ako makapaniwalang naubos niya ang isang bote ng alak. Ang tapang pa naman ng alak na iyon. Alam kong dahil sa situwasyon niya ngayon ang dahilan kung bakit siya naglalasing. Saka umiinom siya ng wine na walang laman ang kaniyang tiyan. Naawa ako kay Natasha, pero ayokong traydurin ang aking ina. Kahit mahirap man sa akin ang makitang nasasaktan siya ay no choice na ako dahil siya ang mabigat kong mission.

