"Janine, alam kong hindi nagsasabi ng totoo si Natasha! Alam kong sinasaktan mo siya! Binabalaan na kita noon pa na huwag na huwag ka nang lumapit pa sa kaniya!" sigaw ko kay Janine pero nanatiling nakangiti lang ito at humarap pa sa akin. "Harry, bilib din ako sa iyo hindi ka pa rin nagbabago, magaling ka pa rin kumilatis kung sino ang nagsasabi ng totoo. Tandaan mong buong organisasyon ang makakalaban mo kapag pumalpak ka sa misyon mo, mahal kita Harry, ginagawa ko lang kung ano ang tama, upang sa ganoon ay hindi ka maagang humarap kay satanas! Kung ano man ang ginagawa ko sa babaeng iyon, ay utos nang nasa taas. Hindi mo siya dapat tratuhing prinsesa!" wika sa akin ni Janine. Isang malakas na buntonghininga ang aking pinakawalan saka ko siya hinila palabas ng bahay. " Sa oras na bumalik

