SUNNY’S POV Habang nasa tent ay hindi ko maiwasan ang hindi mailang kay Blaze kasi magkatabi kami sa iisang higaan ngayon. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan at sa totoo lang ay hindi ko alam paano akong matutulog nito. Ang tahimik ng buong paligid at ang tanging maririig mo lang ay ang mga kuliglig na maiingay. Napatayo ako ng maalala ko si Zanra at saka ko hinampas si Blaze at napabangon sya. “Sunny babes naman natutulog ‘yong tao!” reklamo nya. Sinenyasan ko sya na manahimik at mero’n akong pinapakinggan. Pinakinggan nya rin ang pinapakinggan ko at nagkatinginan kaming dalawa. Nag-invisible ako at saka nag-teleport palabas. Mula sa isang tent ay mero’n isang lalake ang nagbukas nito at saka nya tinitnan ang buong paligid kung mero’ng tao. “D’yan sila Xena at Zanra,” bulong

