SUNNY’S POV Matapos ang manufacturing tour namin sa tatlong company na pinuntahan namin ay nakarating na kami sa isang building kung saan kami mag-sstay for one night. Habang papaak’yat ay pinaliwanag sa ‘min na tigdadalawang tao sa iisang room. Magkasama kami Rianna at si Xena naman ay kasama ni Rina. Nang makapasok sa room ay saka ako napahiga sa kama at saka ako napatingin sa kisame. Hindi ko alam kung bakit parang may kulang sa ‘kin at hindi ko alam kung ano ‘yon. Humiga sa tabi ko si Rianna at saka sya ngumiti sa ‘kin. “So anong ganap sa inyo ni Blaze?” bilang tanong nito na sya namang ikinatingin ko sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko at mas ngumiti pa sya na ani mo’y nangangasar sa ‘ki. “I heard that both of you had a date night together. Is that true?” tanong n

