BLAZE’S POV Napangiti na lang ako sa nakita ko pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mainis sa kanya. Bumuntong hininga na lang ako at saka ko tinignan sila Rianna at nakuha naman nila ang ibig kong sabihin. Hindi na nakapagsalita pa si Zanra at hinila na sya ni Sunny at ako naman ay sumunod sa kanila. Nakarating kami sa may likuran ng school at mula roon ay hinarap ni Sunny si Zanra. Kahit na lumipas na ang panahon ay sya pa rin ang Sunny mula noon hanggang ngayon. Nakikita kong namangha si Zanra sa kanya pero napayuko sya kay Sunny dahil na rin siguro sa nangyayare sa kanilang dalawa. “I couldn’t believe that I will tell this but, thank you for saving me from those bodyguards and, of course, to Mindrid,” sabi nito habang nakayuko. “I didn't help you because I wanted to. I helpe

