THIRD PERSON’S POV Habang abala ang lahat sa mundo ng mga dyos at dyosa ay sya namang paghahanda nila Sunny para sa kasal nila Rianna at Mier na gaganapin sa Mystica. Hindi nya inaasahan na makikita nya ang kaibigan nya na ikakasal na at magkakaroon na rin ng sarili nitong pamilya. Sa kabilang banda, habang naglalakad si Aldemous ay nakasalubong naman nito si Abi at saka sila nagkatinginan at tila nagkaisa ang kanilang isip kaya naman pumunta sila sa isang tahimik na lugar na silang dalawa lang. “Sa totoo lang ay sang-ayon ako sa gusto ni Sunny,” sabi nito at saka naman tumingin sa kanya si Aldemous. “Hindi dahil sa naranasan ko na o hindi pa ang naranasan ng ibang dyosa kung hindi dahil sa gusto ko rin na maging masaya sila. Ang totoong saya na makikita sa kanilang mga mata at hindi l
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


