SUNNY’S POV Naisipan namin na pumunta muna kila Mommy at ng makarating ako doon ay nakita kong kasama ni Mina si Xena at nang makita nya ako ay agad nya akong niyakap at saka nya tinignan ang buong pagkatao ko kung totoo nga ako. “Buhay ka!” Masayang sabi nya at saka naman ako tumaas ng kilay ko. “Mukha ba akong patay?” takang tanong ko at saka sya tumawa sa ‘kin at saka ko tinignan si Mina na nakatingin sa ‘kin. “Anong level nya?” tanong ko at saka sya tumingin kay Xena at tumingin ulit sa ‘kin. “Hindi ko pa alam sa ngayon dahil dadalhin ko pa lang sya kay Aldemous,” sagot naman nito sa ‘kin at saka ako bumuntong hininga at tumingin ako kay Blaze. “Sasama kami para malaman rin namin,” sabi nito at saka naman sumang-ayon si Mina sa ‘min. Habang naglalakad ay nakahawak sa ‘kin s

