SUNNY’S POV Hindi ko alam kung anong tinutukoy nya pero no’ng makita nya ang babaeng lumabas mula sa katawan ko ay nakita ko ang takot nya dito. Malakas sya sa malakas pero hindi ko alam kung bakit parang iba sya ngayon. “Pa-paanong… imposibleng mangyare ‘to!” galit na asik nya at saka sya tumingin sa ‘kin. “Ikaw! Paano mong nakilala si Kesha?” tanong nito sa ‘kin at saka ako tumingin sa babaeng pulang dragon. “Akisha ang pangalan mo?” takang tanong ko naman dito at saka sya tumingin sa ‘kin. “Oo. May mali ba sa pangalan ko?” takang tanong nya at saka naman ako napailing. “All this time may pangalan ka naman pala tapos hindi mo sinasabi,” saad ko pa at saka sya ngumisi. “Hindi ka nagtanong paano kong sasabihin?” sabi naman nito sa masungit na paraan. Sa totoo lang ang ganda n

