SUNNY’S POV Sa totoo lang ay naiinis ako sa nangyayare ngayon at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko naman magagawang pakiusapan si Mighty dahil alam kong hindi rin naman nya ako masusunod. Napatingin ako sa babaeng katabi ni Habriyon at gano’n din kay Aldemis at sa mga kasama nila. Napakuyom ako ng kamay ko at saka ako pumikit at huminga ng malalim. “Ayaw nyong tumigil e’di h’wag,” sabi ko at saka naman napataas ang kilay ng babae sa ‘kin. “Hindi naman ako kasing hina ng nakikita nyo dahil lang sa mga kaibigan ko. Masyado nyong minamaliit ang pagkatao ko at ang lakas ko kaya sila ang ginagamit nyong alas sa ‘kin. Isa pa…” Tumingin ako kay Aldemis at saka ko pinag-cross ang braso ko. “Ang bagay na dapat kong sasabihin kanina ay… anak ka ni Tita Thelia noon at kapatid mo naman

