RIANNA’S POV Sa totoo lang ay nalilito ako sa sinasabi ni Sunny at hindi ko alam kung paanong nangyareng kalahating dyosa rin ako. Wala naman akong ibang nararamdaman na kung ano sa katawan ko at wala rin akong nararamdaman na malakas ako. Habang nakatingin sa ‘kin si Mighty ay napangiwi ako kasi parang hinihintay nya ang atake ko. Sumipat pa ako ng tingin kay Sunny at saka sya sumenyas sa ‘kin na ‘go’ pero dumodoble ang kaba sa dibdib ko. Hinanda ko na ang sarili ko at saka ako tumingin ulit kay Mighty at saka ako naunang sumugod pero nagulat ako sa mabilis nitong pag-ilag at naramdaman ko naman sya sa may likuran ko kaya naman aga kong hinanda ang braso ko pero agad nya rin itong nakontra. Sa punto na ‘yon ay hinawakan nya ang braso ko at saka nya ako pinaikot sa ere bago nya ako bin

