RIANNA’S POV Naiinis ako kay Sunny at hindi ko alam kung ano ba talaga ang balak nya. Hindi ko nga rin alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Siguro kailangan ko na lang din magtiwala sa kanya dahil alam naman nya kung alin ang mas nakakabuti sa hindi. “Ang lalim naman ng iniisip mo. P’wede bang sisirin?” Napalingon ako sa biglang dumating at si Mier pala. “Ano naman ang ginagawa mo dito?” tanong ko at saka ako tumingin sa labas. “Hindi ba kita p’wedeng samahan?” takang tanong nya at saka naman ako bumuntong hininga. “Alam mo ba kanina narinig tayo ni Mighty? Nakakainis ka alam mo?” saad ko at saka sya tumawa. “Sino ba kasi may sabi ng ‘I want more’ sa ating dalawa?” Napatingin na naman ako sa kanya at saka ko sya binatukan at inis akong tumingin sa mga mata nya. “Hindi ka mati

