XENA’S POV Nang makauwi ako sa bahay ay saka ako nakahinga ng maluwag. Hindi na ako sumabay pa kila Rianna kanina dahil sa nangyare sa ‘kin kay Rham. Napatingin ako sa kinasame at saka ako bumuntong hininga. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Ang daming taon na ang lumipas pero bakit gano’n. Hindi ko aakalain na magiging gano’n ang tagpo namin matapos mawala ni Sunny noon. Pero dahil sa nangyare ay marami akong natutunan. Pinikit ko ang mga mata ko para sana matulog na pero napamulat ako ng maramdaman kong may pumasok sa k’warto ko. “Naman!!!” inis na sabi ko at saka ko binuksan ang ilaw at ang akala ko na si Rham ang pumasok ay mali ako. “Paxon?” takang sambit ko. “I’m sorry,” ani nito at napahilamos ako sa mukha ko. Kumuha ako ng pagkain sa ref at saka ko sya

