Rated SPG must 18 above RIANNA’S POV Maaga akong nagising kasi excited akong pumasok pero nang makalabas ako ng gate ay biglang naging bad trip ang araw ko. “Ano ang ginagawa mo dito?” tanong ko at saka sya tumawa. “S’yempre sinusundo ang fiance ko?” sagot naman nya na akala mo, e, nanalo sa loto. “Naman Mier ang ganda ng umaga ko sinira mo.” “Ok lang ‘yan basta ako maganda umaga ko kasi ikaw ang nasilayan ko,” sagot naman nya at napatampal naman ako sa mukha ko. Walang sense of humor ang isang ‘to nakakapikon. Naglakad na lang kami papunta sa school at nang makarating doon ay nakita ko na si Blaze na no’n ay bina-bad trip ang umaga ni Sunny. Hindi na ako magtataka kung bumalik na ang dating Blaze dahil sa nakita na nya ang babaeng matagal naming hintay. Napangiti na lang ako

