BLAZE’S POV Nagising ako na may kakaibang pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit ganito at hindi ko alam kung anong nangyare sa ‘kin. Napatingin ako sa labas at ang ganda ng sikat ng araw ngayon. Napahawak ako sa ulo ko at parang may nakalimutan ata akong gawin ngayong araw. Parang may nawala sa ‘kin pero hindi ko matukoy kung ano o sino. Bumangon na ako at saka ako nag-asikaso at nang matapos ay saka naman ako bumaba. Nang makita ko si Barrie na no’n ay tila masaya ay nilapitan ko sya at saka binati ng magandang umaga. “Anong nakain mo at ang saya mo ata ngayon?” tanong ko sa kanya at saka sya huminga ng malalim. “Good news has come. Ate Sunny healed me,” ani niya at napakinot ang noo ko sa sinabi nya. “Ate Sunny?” takang sambit ko at napahinto sya at saka tumingin sa ‘kin. “Si

