SUNNY’S POV Napatayo ako sa sinabi nya at saka ako napahawak sa ulo ko. “Imposible ang sinasabi mo,” sabi ko at saka ko tinaas ang dalawang kamay ko. “Hindi totoo ‘yan. Paanong mangyayare ‘yon, e, nawawala nga si Habriyon!” “Huminahon ka muna, Sunny.” “Paano ako hihinahon sa sinasabi mo?” “Hindi pa ako tapos magsalita.” “Hindi ako natutuwa sa joke mo kaya p’wede ba Esmeralda!” “HUMINAHON KA MUNA SABI!” sigaw nito dahilan para mapahinto ako at saka ako napaupo. Napapamura na lang ako sa isip ko at hindi ko alam ang kung anong iisipin ko. “Nawawala nga si Habriyon pero hindi ibig sabihin no’n na magiging bata lang sya at hindi naaalala ang lahat lalo na kung may gusto syang makuha at hindi nya nakuha dahil sa nangyare sa nakaraan,” saad nito na mas ikinalito ko pa. “Hindi ko ma

