SUNNY’S POV Hindi namin alam ni Blaze kung anong gagawin para makabalik. Pero sa totoo lang naiisip ko na baka iyong anak ni Nanami ang dahilan bakit kami nandito at siguro ay ito rin ang dahilan bakit nawala ang anak nya. Napabuntong hininga na lang ako at habang nakaupo kami sa isang sulok ay hindi namin maiwasan ang hindi matawa sa nangyayare. “Sa totoo lang hindi ko alam kung anong nangyayare nitong mga nakaraan at stress ako dahil kila Habriyon at Lili. Isa pa ay sa biglaang pagsulpot ng portal. Hindi ako magtataka kung paano silang nawala.” Nakanguso kong sabi at saka ako tumingin sa buong paligid. Tumayo kami at saka kami naglakad at nagtingin ng kung anong maaring mabili at sa kung anong makakain dahil gutom na rin naman ako. Habang naglalakad ay may napansin akong batang lal

