THIRD PERSON’S POV Habang abala ang lahat ay hindi nila namalayan na mero’ng nakapasok sa kanilang mansion. Mula sa may veranda ay naro’n ang batang babae na tahimik lang na nagpapakiramdam sa paligid nya at sa hindi inaasahan ay naro’n pumasok si Lycka ang ina ni Lili. Tumingin sya sa bata at saka sya nangunot ng noo at saka tumingin sa buong paligid. “Hindi ka taga rito at dama kong hindi ka nila kaparte. Sabihin mo sa ‘kin munting bata kung sino ka,” sabi nito sa bata at nanatili lang itong nakatingin sa kanya at hindi ito nagsalita at kahit na ano ay walang lumabas sa kanyang bibig. Bumaba si Lycka at saka nya nilapitan ang bata at saka sya ngumisi at hinawakan ang baba nito at saka nya ito tinulak. Umalis sya sa k’wartong iyon at tinignan naman sya ng bata. Tumingin lang ito sa k

