SUNNY’S POV Tumingin ako sa bata at sa totoo lang may kung anong kakaiba sa kanya at hindi ko alam kung ano ‘yon. Bumuntong hininga ako at saka ako tumayo at saka umupo na lang at kumain. Nang matapos kaming kumain ay pumasok na kami at sa pagkarating sa school ay agad na kaming pumasok ng room kasi may exam pala kami ngayon. Hindi ko maiwasan ang hindi mag-isip tungkol sa bata. Nang matapos ang exam ay lumabas kami ng maaga at saka ko inaya si Blaze na bumalik sa palasyo at sumunod naman sya sa ‘kin. Nang makarating doon ay wala sila Kuya Zemji at tumingin ako sa buong paligid. Gumawa ako ng portal papunta sa Hou Mountain at sa pagkarating namin doon ay bumungad sa ‘min si Divino. Lumapit ako sa kanya at saka ako tumingin sa mga mata nya. “Nasa’n si Hana?” tanong ko. “Alam kong ba

