XENA’S POV Bumalik na kami sa mundo ng mga tao at sa totoo lang ay gumaan na ang pakiramdam ko mula ng makilala ko ang totoo kong ama. Laking pasalamat ko talaga kay Sunny dahil kung hindi dahil sa kanya malamang habang buhay na akong mabubuhay sa kasinungalingan gawa ni Mommy. Pababa ako ng hagdan at napahinto ako ng makita ko si Xemi na no’n ay nakangiti sa ‘kin at mero’n syang suot na uniform na katulad ng sa amin. “Anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko sa kanya. Tumawa sya at saka ako nilapitan at hinawakan ang kamay ko. “Bilang panganay na anak ng Reyna at bilang nakakatandang kapatid ko. S’yempre gusto kong bantayan ka kahit na malaki ka na. Gusto ko lang bumawi sa ‘yo. Isa pa… nakakasawa kayang maging prinsesang lagi na lang busy sa mga bagay na hindi naman nya gustong gaw

