THIRD PERSON’S POV Habang abala ang lahat ay napatingin si Abi sa kanyang monitor at nakita nito ang kung anong nangyayare ngayon sa Mystica. Tinignan nya ang kung sinong nandoon at saka sya napailing at inasikaso ang mga parusang nararapat sa kanila para maipasa na sa detention. Nang maayos na nya ito ay saka sya tumingin sa dumating at si Esmeralda ‘yon. “Masyado ka naman atang busy ngayon?” puna nito at saka sya bumaba sa kanyang upuan at saka lumabas ng silid na ‘yon. “Yea. I think I need a vacation leave soon,” saad naman nito. “You don’t need that,” sabi naman ni Esme at saka sya bumuntong hininga. Habang naglalakad ay nakasalubong naman nila si Aldemous na no’n ay papunta sa gawi nila. “Bakit parang ang lalim naman ata ng iniisip mo?” tanong ni Abi sa kanya at saka naman s

