Ava’s POV MAS lalong naging mariin ang pagkakahawak ni Renzo sa mga kamay ko. Nanlilisik na ang mga mata niya at natatakot na talaga ako sa kaniya. Isa-isang bumalik sa alaala ko ang lahat ng p*******t niya sa akin. “Asawa kita, Ava! Obligasyon mo ito at dapat mo akong pagbigyan! Naiintindihan mo ba?!” Bulyaw niya sa akin. Hindi ko na nagawa pang magsalita sa sobrang takot. Patuloy sa panginginig ang buong katawan ko. Napahagulhol na lang ako. Para bang naparalisado ako at hindi ko na kayang manlaban pa. Takot na takot ako ng sandaling iyon. Kung ano man ang gustong gawin sa akin ni Renzo ay wala na akong lakas ng loob para lumaban. Wala na akong nagawa kundi ang lumuha. “A-ava?” tawag sa akin ni Renzo. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko sabay alis sa ibabaw ko. Hini

