Lally’s POV WHAT the f**k! Ano ang ginagawa ng Ava na ito sa clinic ni Dr. Mario? Actually, pina-plastik ko lang naman siya kaya mabait ako sa kaniya. Kung alam lang niya, iritang-irita ako sa pagmumukha niya dahil feeling ko ay may gusto pa rin siya kay Anjo hanggang ngayon. Napapansin ko iyon sa mga palihim na tingin niya sa asawa ko lalo na noong kumain siya sa bahay namin noon. Pagkatapos naming mag-shopping ni Chonna ay kumain na kami. Matapos iyon ay naghiwalay na kami dahil gusto na niyang umuwi. Kaya ko na lang ang nagpunta dito sa clinic ni Dr. Mario. Nandito ako para gawin ang suggestion ni Chonna. Malay ko nga naman kung pumayag si Dr. Mario, `di ba? “Kumusta ka na, Lally?” Nilapitan niya ako sabay upo sa tabi ko. “`Eto, may sakit pa rin. Anong ginagawa mo dito?” “

