Lally’s POV PATULOG na kami ni Anjo ng gabing iyon. Nakahiga na ako sa kama habang siya ay kinukuha pa ang mga gamot na dapat kong inumin bago matulog. Dumating siya na dala na ang mga gamot at isang basong tubig. Ang basong ginamit niya ay ang baso na sinasabi kong paborito ko. Hindi iyon transparent at babasagin. Plastic lang iyon na kulay pink. Iniabot niya ang mga iyon sa akin. “Inumin mo na ito para makatulog na tayo,” aniya. “Salamat…” Inilagay ko na sa loob ng bibig ko ang tatlong piraso ng gamot at nagkunwaring umiinom ng tubig. Pero ang totoo ay iniluwa ko sa loob ng baso ang mga gamot. Kaya ang basong iyon ang sinasabi ko kay Anjo na gamitin niya tuwing magpapainom ng gamot sa akin ay upang hindi niya makita na iniluluwa ko lang ang mga gamot sa loob ng baso. “Akin na

