Ava’s POV NAPAGKASUNDUAN namin ni Renzo na pumunta sa mama niya ngayon kahit puno pa siya ng mga pasa at sugat. Alam kong napipilitan lang siya pero wala na rin naman siyang pagpipilian. Ito na lang ang paraan na naiisip ko para makakuha agad kami ng malaking halaga ng pera. Marahil magagalit si Gloria kay Renzo ngunit ina pa rin ito at hindi nito makakayang tiisin ang nag-iisa nitong anak. Habang nagbibihis ako sa kwarto ay biglang pumasok si Renzo. Isang bestidang kulay baby pink ang napili kong isuot. Bagsak ang balikat ni Renzo habang papalapit sa akin. Nagsusuklay na ako sa harap ng salamin. “Bakit hindi ka pa nakabihis? Aalis na tayo pagkatapos ko,” tanong ko. Naka-pambahay pa rin kasi siya. Akala ko ay naliligo na siya sa ibaba pero mukhang hindi pa pala. “Hindi na tayo

