Chapter 18

2211 Words

Ava’s POV         ALAS kwatro na ng madaling araw pero gising na gising pa rin ako. Wala akong maayos na tulog dahil panay ang gising ko. Paano ba naman ako makakatulog kung hanggang ngayon ay wala pa rin si Renzo. Simula nang umalis siya kanina para magbayad ng utang doon kay Mr. Martin ay hindi pa rin siya umuuwi dito sa bahay. Makailang ulit kong sinubukang tawagan ang cellphone niya pero hindi niya sinasagot. Noong una ay nagri-ring lang pero ngayon ay naka-off na yata ang cellphone niya. Dito na nga ako sa sofa sa salas natulog upang alam ko agad kapag dumating siya.             Ang sabi niya kasi ay sabay kaming magdi-dinner pero hindi siya umuwi kagabi. Nagluto pa naman ako ng masarap na ulam. Nag-aalala ako dahil baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. May dala siyang malaking

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD