Lally’s POV NAKAUPO na ako sa hapag-kainan ng umagang iyon habang ang asawa kong si Anjo ay abalang-abala sa pagluluto ng aming almusal. Kahit medyo male-late na siya sa kaniyang trabaho ay talagang nagagawa pa niyang magluto ng almusal para sa aming dalawa. Ako na nga ang nagprisinta na magluluto pero aniya ay siya na lang. Baka daw mapagod ako at kung ano pa ang mangyari sa akin. Pinapanood ko siya habang nagpiprito ng itlog mula sa aking pagkakaupo. Maya maya lang ay natapos na siya. Naghain na siya at nagtimpla ng gatas para sa akin. Nilagyan na rin niya ng kanin at itlog ang aking pinggan. Malungkot akong napatingin sa aking pagkain. “Kumain ka na para makainom ka ng gamot mo…” Natigilan si Anjo nang makita ang reaksiyon sa aking mukha. “Bakit parang ang lungkot mo naman? Ma

