Ava’s POV HINDI ako makapaniwala na wala pang isang buwan ay nakaipon na ako ng five hundred thousand pesos! May tulong din naman dito si Renzo pero ang sarap lang sa pakiramdam na may naitulong din ang pagbebenta ko ng mga gamit ko online. Lalo na iyong paggawa ko ng graham cake at graham balls. Gusto ko nang ipagpatuloy ang negosyong iyon upang kahit papaano ay makatulong ako kay Renzo sa gastusin sa bahay. Bukod sa makakapagbayad na si Renzo sa pagkakautang niya ay mas masaya ako dahil makakasama ko na ulit si Eris araw-araw. Makukuha ko na rin siya sa biyenan ko dahil wala na akong masyadong gagawin hindi katulad no’ng naglalagari ako sa paghahanap ng pera. Miss na miss ko na kasi talaga si Eris… Nababahala na rin ako na baka mas lalong nalason ni Gloria ang isip ng anak ko.

