Ava’s POV OO nga. Monthsary nga namin ngayon ni Renzo! Sa dami ng mga ginagawa ko ay nakalimutan ko na. Kung kailan naman nag-effort pa siya ay saka ko pa nakalimutan ang importanteng araw na ito sa buhay naming mag-asawa. Sinundan ko si Renzo sa paglabas ng kwarto. “Renzo, sorry. Ang dami ko kasing ginagawa kaya nakalimutan ko!” sabi ko habang nakasunod sa kaniya pababa ng hagdan. “Talagang magkasama pa kayo ng ex mo sa araw ng monthsary natin, ha!” sagot niya. Hindi niya ako nililingon. Pabalang siyang umupo sa sofa. Inabot ang remote ng TV at binuksan iyon. Nilakasan niya ang volume. Hindi ko alam kung tatabi ba ako sa kaniya kaya mas pinili ko na lang na tumayo sa may gilid niya. “Pasensiya na talaga. Hindi ko intensiyon na makalimutan ang monthsary natin. Sana maunawaan mo

