Maraming araw na ang lumipas at dahil busy na rin si Amira sa bago niyang buhay, hindi na kami nagkikita sa aming day off dahil binibigyan ko na rin siya nang oras para maka-focus sa buhay niya. Probably she was still adjusting. Iyon naman talaga ang mangyayari kapag nakatali na rin siya sa kanyang asawa. Siguro naman akong expected na mabubuntis na si Amira sa susunod na mga araw. "Papunta na ako diyan, hintayin mo lang ako, okay?" sabi ko na lang din sa cellphone dahil naramdaman ko na lang din na tumawag na si Trisha sa akin para alamin kung nasaan na ako sa mga puntong ito. Akala naman siguro nila at hindi ako pupunta. Dahil free time ako, at gusto ko na ring magpakasaya pa sa mga araw na wala akong ginagawa. Probably, sa mga puntong ito, nasa aking apartment lang ako natutulog buong

